Unexpected Encounters

2077 Words
[CHAPTER 1] [Athena’s POV] ‘Guys, bakit absent si Athena?’ Nabasa ko ang message ni Myka sa group chat naming magkakaibigan noong nakaraang gabi. ‘Ayiee, miss niya si Athena.’ May pilyong tono sa mensahe ni Aria. ‘Nami-miss ko talaga siya kasi walang kumokontra sa mga sinasabi ko, eh.’ Sagot ni Myka na may kasamang laughing face emoticon. Napangiti ako. Boyish akong kumilos, kaya madalas akong tuksuhin ng mga kaibigan ko na parang babae rin ang gusto ko. Si Myka, na kaaway ko dati noong high school, ay laging nagtatangkang itukso ako. Sanay na ako sa kanila, kaya tinatawanan ko na lang at sinasakyan ang mga pang-aasar, pero sigurado ako na hindi ako lesbian. Wala rin akong interes sa mga lalaki, kasi pakiramdam ko, pare-pareho lang silang manloloko. Siguro masaya na ako sa pagiging single. Twenty-seven years old na ako, pero never pa akong nagkaroon ng boyfriend. NBSB nga, sabi nila. Hindi rin ako nag-eentertain ng manliligaw. Siguro, tanggap ko na sa sarili ko na tatanda akong dalaga, at least, walang problema at responsibilidad. ‘Good morning, guys.’ Bati ko sa kanila sa chat. ‘Uy, babae, saan ka nanggaling kagabi? Bakit wala ka?’ Tanong ni Melchor, kaibigan kong bading. Napag-usapan na naming magkakaibigan ang mga ganitong bagay tuwing gabi. High school pa lamang kami ay ginagawa na namin ito. Sumbungan dito, tsismisan doon, hanggang sa abutin kami ng madaling araw at makatulog. ‘Sorry, guys, nakatulog ako agad. Pagod na pagod kasi ako sa biyahe.’ Sagot ko. ‘At saan ka nanggaling?’ Tanong ni Myka na parang may tampo, na sinagot ko ng maluwag. Saglit akong nag-logout sa group chat para i-check ang notifications at friend requests. Napakunot-noo ako nang makita kong may friend request si Levi Sabino D. Alejandro - Anak mayaman at sa edad na thirty years old ay presidente na siya ng sarili nilang kumpanya. Schoolmate ko siya noong high school. Kilala siya bilang matalino, suplado, at heartthrob dahil sa angking kaguwapuhan. Halos mamatay sa kilig ang mga kaklase kong babae at bading noong high school tuwing makikita siya. Ako lang yata ang walang interes sa kanya. Idol ko siya dati bilang isang magaling na manlalaro ng soccer. Grade six ako at second year high school siya noong una ko siyang makitang naglaro. Noon pa lang ay naging inspirasyon ko na siya, pero nang tumuntong siya sa kolehiyo ay huminto siya sa paglalaro, kaya nawalan na rin ako ng gana sa soccer. Accepted ko ang friend request niya. Ilang minuto lang, nag-chat agad siya. ‘Hey, Batman Lover.’ ‘Hey!’ Nangingiting sagot ko. ‘Thank you for accepting my request.’ ‘You’re welcome.’ ‘Are you free today?’ Tanong niya. ‘Invite sana kitang mag-lunch.’ ‘Sorry, pero hindi ako pwede today. Papunta kasi rito sa bahay ang mga kaibigan ko ngayon.’ ‘Okay. How about tomorrow?’ Tanong niya ulit. ‘Gusto ko lang talagang makabawi sa ginawa mong pagtulong sa akin kahapon.’ Gusto kong tanggihan, pero parang may kakaibang damdamin na pumipigil sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Maybe, I just want to know him more. ‘Hindi mo naman kailangang bumawi. Ayos na ‘yon, ano ka ba.’ Tugon ko sa kanya. ‘I insist. Kailan ka free?’ Anak ng tipaklong! Sa isip-isip ko. Ang kulit nitong lalaking ito. ‘Ang kulit mo!’ Gusto kong ipahalata na medyo naiirita ako. ‘Oopps, sorry.’ Sagot niya. “Athena!” Tawag sa akin ni Myka buhat sa sala. Tiyak na dumating na ang mga kaibigan ko. May sarili akong bahay na pinagawa ko tatlong taon na ang nakakaraan. Nagmula kasi ako sa isang broken family. Elementary pa lang ako nang iniwan ako ng mommy ko at sumama ito sa ibang lalaki. After that, hindi na naging matino ang daddy ko. Halos every month yata ay kung sinu-sino ang mga babaeng iniuuwi niya sa bahay. Hindi ko matagalan ang ganoong set-up. Parang wala akong peace of mind, kaya masigurado ko na kaya ko na, bumukod na ako ng tirahan. Mahal ko ang daddy ko, pero parang nawalan ako ng respeto sa kanya. Ayaw ko kung paano niya trinato ang mga babae, para bang ginagawa niya silang laruan. Isa ‘yon sa dahilan kung bakit takot akong magtiwala sa lalaki. ‘I have to go, Levi.’ Agad kong sinabi sa kanya. ‘Bye.’ Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Dali-dali kong ni-log out ang account ko nang maramdaman kong may mga yabag na patungo sa akin. “What are you doing?” Tanong ni Myka nang sumilip sa pintuan ng kwarto ko. Nagkunwari akong naglilinis ng drawer ko. “Naglilinis.” “Himala!” Nakangising sabi niya. “Sinapian ka ba ng kasipagan ngayon?” “Wala kasi akong magawa, eh.” Turan ko bago lumabas ng kwarto at bumaba sa sala. Sumunod sa akin si Myka. “Bakit kaya hindi mo subukan kumain ng apoy para may magawa ka.” “Ikaw muna kaya ang sumubok bago ako.” “Naku, maya-maya lang ay magkakapikunan na naman kayo ni Myka.” Natatawang turan sa amin ni Melchor nang ilapag nito ang dalawang malalaking box ng pizza sa center table. “Wala si Keera?” Tanong ko. Kaibigan din namin si Keera, ex-girlfriend ito ni Levi. “Susunod daw.” Si Aria ang sumagot. Inilapag niya ang bitbit n'yang supot na may lamang lechon manok sa tabi ng pizza. “Maniwala ka ro’n, hindi na makakasunod ‘yon.” Turan ni Melchor na naupo sa sofa. “Exactly. Lalo na ngayong wala ring pasok si Dylan.” Nakangising sagot ni Myka. Asawa ni Keera si Dylan, nakababatang kapatid ito ni Levi. “Pakiramdam ko nga rin, eh.” Nakangisi rin si Aria. “Tiyak akong hindi na naman ‘yon makakalabas ng kuwarto.” “Nanghihina na naman ‘yon paglabas ng kuwarto.” Turan ni Myka. They burst out laughing. Naiiling na lang ako. Gano’n sila kapilya. Kung anu-anong kalokohan ang mga tumatakbo sa kaisipan nila. “Guys, kakain ba kayo ng kanin?” Tanong ko sa kanila. “Ako, ayaw ko. Ayos na sa akin itong pizza.” Tugon ni Melchor na nagsimula nang kumain ng pizza. “Ayaw ko rin. Gusto kong mag-videoke.” Sabi ni Aria na lumapit sa TV para buksan ito. Maganda ang boses nito kaya mahilig itong kumanta. “Ikaw, Myks?” Tanong ko kay Myka na abala sa pagte-text. “Ayaw ko rin. Beer na lang, Athena.” “Okay, I’ll get some.” Tugon ko bago ako tumungo sa kusina para kumuha ng maiinom. Nag-stock na talaga ako ng inumin sa fridge ko kapag alam kong pupunta sila kasi kung hindi’y tiyak na palalabasin nila akong pilit para pabilihin. Nang bumalik ako sa sala ay may dala na akong inumin. Inilapag ko ito sa mesa bago ako naupo sa tabi ni Melchor. “Mel, tingnan mo ‘to, oh. s**t! Guwapo talaga ni Levi.” Narinig kong turan ni Myka. Nakaupo ito sa lapag. Bahagyang sinilip ni Melchor ang ipinapakita nitong litrato ni Levi sa phone nito. Modelo kasi ng isang kilalang branded jeans si Levi kaya nama’y may mga photos itong nagkalat sa internet. “Abs pa lang ulam na.” Sabi ni Aria na nakitingin din. “Kaya nga eh, ‘no? Paano pa kaya ‘yong baba?” Pilyang sabi ni Myka. “Gaga! Ang bastos mo, girl.” Tumatawang sabi ni Melchor kay Myka. Bahagya pa nitong pinalo ang braso ng huli. “Anong bastos do’n? Ibig kong sabihin ‘yong paa.” Depensa ni Myka habang tumatawa. “Barefooted kasi. Tingnan mo ‘yong paa niya, ang puti, ‘diba?” Nagtawanan na naman sila kaya naiiling na lang ako. Gano’n sila kapilya. Kung anu-anong kalokohan ang mga tumatakbo sa kaisipan nila. “Guys, gusto mong tingnan, Athena?” Nakangising tanong sa akin ni Myka. “No need. I’m not interested.” Tugon ko sa pagitan ng pagkain. “Picture ni Page ang ipakita mo kay Athena. Tiyak na matutuwa siya roon.” Nakangising sabi ni Aria. Modelo rin si Page tulad ni Levi. Usually ay nakikita kong mag-partner ang mga ito sa mga pantalong ino-model. “Baliw.” Turan ko kay Aria bago ko ibinato sa kanya ‘yong throw pillow na nadampot ko. Tawa siya ng tawa nang ibato niya rin ito sa akin. Akmang babatuhin ko s’yang muli nang marinig kong may nag-doorbell. Tumayo ako mula sa pagkakaupo bago ako nagtungo sa pintuan upang pagbuksan ang kung sinumang tao sa labas. “Yes?” Tanong ko sa lalaking nakatayo sa labas. May dala itong isang bouquet ng red roses. “Kayo po ba si Ms. Athena Faith Buencamino?” “Ako nga. Bakit?” “May nagpapa-deliver po nitong bulaklak para sa inyo.” “Huh? Kanino raw galing?” Kunot-noo kong tanong. Sa tanang buhay ko ay wala pang nagbigay sa akin ng bulaklak. “Hindi ko po alam, Ma’am, eh. Basta pinabibigay lang ho sa inyo.” “Ano ‘yan?” Usisa nang mga kaibigan kong sumilip din sa pintuan kaya halos maitulak na nila ako palabas. “Gosh! Bulaklak para sa’yo, Athena?” Excited na tanong ni Aria. “Oh-em-gee! Dalaga ka na, Athena.” Tila kinikilig pang sabi ni Melchor kaya natatawa na lang ‘yong lalaking nag-deliver kasi sila na ang tumanggap sa bulaklak na iniaabot nito sa akin. “Paki-pirmahan na lang po rito, Ma’am.” Turan ng lalaki bago nito iniabot sa akin ang ballpen at delivery receipt. “Salamat po.” Tinanguan ko lang ito bago ako bumalik sa loob ng bahay. “Dali, Athena, basahin mo na kung kanino nanggaling.” Nakatawang iniabot sa akin ni Myka ang isang card. “Sana kayo na lang din ang bumasa, ‘no?” Naiirita kong turan sa kanila bago ko tiningnan ‘yong card. Lahat sila’y nagtakbuhan sa likod ko para makibasa. Mga bwisit talaga. ‘Hi, Batman Lover. Thank you so much for helping me yesterday. Sana’y makilala pa kita nang lubusan.’ Tiyak akong galing ito kay Levi. “Gosh! Sino ‘yan?” Tanong ni Myka. “s**t! Kinikilig ako.” “Sino ‘yan, Athena?” Si Aria. “Oo nga, sino ‘yan? Akala ko ba wala tayong lihiman.” Pagkuwa’y nagtatampong sabi ni Melchor. “Wala naman akong inililihim, guys.” Tugon kong lumakad patungo sa sofa. Sinundan nila ako. “Galing ‘yan kay Le---Lino.” “Sinong Lino?” Kunot-noong tanong ni Aria. Sa totoo lang ay wala akong kilalang Lino, sinabi ko lamang iyon para tantanan nila ako. Hindi ko rin naman p’wedeng sabihin na galing iyon kay Levi kasi tiyak na magtataka sila kung bakit ako binigyan ng bulaklak ni Levi lalo pa’t kilalang-kilala nila ito. Tiyak na umaatikabong tukso ang aabutin ko sa kanila. “Bagong kapit-bahay ko.” “Nililigawan ka?” Nakangiting tanong ni Myka. “Hindi. Bakla ‘yon, eh. Tinulungan ko lang kasi siya kahapon kaya siguro sa sobrang katuwaan kaya iyon, pinadalhan ako ng bulaklak.” Paliwanag ko. Biglang nag-ring ‘yong phone ko kaya sinagot ko ito. Unknown caller. “Hello?” “Hi, Batman Lover. Si Levi ‘to.” Turan ng nasa kabilang linya. Napakunot-noo ako. Paano nalaman ng lalaking ito ang address at phone number ko? Sa isip-isip ko. “Oh, hi, Lino.” Pagkuwa’y sabi ko kasi nakikita ko sa dulo nang aking mga mata na nakamatyag sa akin ang mga kaibigan ko. Tiyak na pinakikinggan nila ang bawat sasabihin ko. “Huh? Sinong Lino? Si Levi ‘to, Athena.” Turan ni Levi sa kabilang linya. “Sample ba ‘yong bulaklak? Oo, maganda siya, p’wedeng-p’wede mo nang ibenta, bakla.” “Ano? Hindi ako bakla, Athena.” Muling tugon ni Levi. Parang gusto ko nang humagalpak ng tawa kasi pakiramdam ko’y naguguluhan si Levi sa mga pinagsasasabi ko, pero nanatili pa rin akong seryoso para hindi makahalata ‘yong mga kaibigan ko. “Okay na. Sige na, bye.” Turan kong tinapos na ‘yong tawag. “Sample lang pala ‘yan?” Kunot-noong tanong ni Myka. “Yup. Pinakita niya lang sa akin kasi magbebenta siya ng bulaklak, eh.” Pagsisinungaling ko. “Sayang naman. Akala pa naman namin ay may manliligaw ka na.” Dismayadong sabi ni Aria. Naramdaman kong nag-vibrate ‘yong phone ko. Tiningnan ko ito. One message received. ‘Hi, Athena, si Levi Alejandro ‘to. Hindi ako si Lino at lalong hindi ako bakla. Patutunayan ko ‘yan sa’yo.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD