----- Bahagya kong hinila pababa ‘yong comforter na nakabalot sa buo kong katawan. Sumulyap ako sa relo sa kaliwa kong braso. Alas-otso na pala ng umaga. Luminga ako sa mga katabi kong kama, pero wala nang tao. Mag-isa na lang ako sa silid. Naligo muna ako bago ako lumabas nang naturang silid. Ang alam ko kasi’y alas-diyes ang alis namin patungo sa barrio nina Melchor kaya kailangan ko munang mag-agahan. Naglakad ako patungo sa rest house na nirentahan din namin. “Good morning, baby.” Nakangiti at halos sabay-sabay na bati sa akin ng mga kaibigan ko. Nakapalibot sila sa mesa habang naga-almusal. Nangingiti akong pumasok sa loob. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na naman ako ng mga sandaling iyon. Nakangiting tumayo si Levi mula sa pagkakaupo at sinalubong ako. “Ayiee!” Tukso sa amin ni

