CHAPTER 4
(Athena’s POV)
“At bagay ka rin sa akin.” Seryosong turan ni Levi sa akin habang titig na titig siya sa mukha ko. Halos ilang dangkal lamang ang layo ng mukha niya sa akin kaya bahagya akong napalunok. Napansin kong bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at akmang hahalikan niya ako kaya sinampal ko ‘yong pisngi niya. “Aray ko naman!”
“Anong plano mo?” Mataray kong tanong sa kanya habang salubong ‘yong mga kilay ko.
“Ang sakit mo namang manampal. Ang bigat-bigat naman ng kamay mo.”
“Hindi lang ‘yan ang matitikman mo kapag inulit mo pa ‘yon.”
“Wala naman akong ginawa, ah.” Natatawang sabi niya habang namumula ‘yong pisngi n’yang nilapatan ng palad ko. Napalakas nga yata ‘yong pagkakasampal ko sa kanya.
“Wala kang ginawa kasi sinampal kita, pero kung hindi kita sinampal ay malamang na may nagawa ka na.”
“Akala ko kasi’y ready ka nang patunayan ko sa’yo na hindi ako bakla.”
“Tigilan mo nga ako, Levi. Style mo bulok.” Tumawa siya dahil sa tinuran ko. “Hindi mo ako maiisahan.”
“Mahahalikan ko rin ‘yang labi mo.”
“Asa ka?” Humagalpak siya ng tawa. “Alam mo, akala ko dati’y si Dylan lang ang makulit at pasaway, isa ka rin pala.” Seryosong tao kasi si Levi. ‘Yong tipong hindi mo aakalain na marunong din pala s’yang magbiro. ‘Yong kapag hindi mo siya makikilala ng lubusa’y iisipin mong boring s’yang kasama.
“Hindi mo lang kasi ako kilala ng lubusan dati kaya gano’n. Kumbaga’y ngayon mo lang kasi nakilala ‘yong ‘other side of me’.”
“Dami mong alam.”
“Totoo.” Nangingiti n’yang sabi.
“Okay, sabi mo, eh.”
“Pero seryoso ‘to, p’wede ba kitang ligawan, Faith?”
“Nagpapatawa ka ba?” Walang kare-reaksiyong mababakas sa mukha ko nang tingnan ko siya, pero ang totoo’y nagulat ako sa tanong niya.
“Hindi. Seryoso ako.” Nakangiti n’yang tugon. Saglit ko s’yang pinagmasdan para tiyakin kung totoo nga bang seryoso siya o baka nanti-trip lang, pero mukhang hindi naman siya ‘yong gano’ng tipo ng tao. Mukha naman talaga s’yang seryoso.
“Bakit mo ako gustong ligawan? To prove me that you’re not gay?” Tanong ko. “Levi, alam ko namang hindi ka bakla, eh. Pinagti-tripan lang kita.”
“Alam ko naman ‘yon.”
“So, bakit mo biglang naisipang ligawan ako?”
“I want to know more about you. Sa tingin ko’y gusto na kita.”
I cleared my throat. Pakiramdam ko’y biglang may bumara sa lalamunan ko ng mga sandaling iyon dahil sa sinabi ni Levi. Ano ba ‘yon? Instant confession? Napaka-straight to the point naman ng lalaking ito, wala man lang liguy-ligoy. Sa isip-isip ko.
“Wow!” Pagkuwa’y turan kong natatawa. Ayaw kong ipahalata sa kanya na kinakabahan ako at natatakot. Imagine, ang isang Levi Sabino Alejandro na iniidolo ko lamang noon ay nagdi-discuss sa akin ngayon about love.
“Wow lang talaga ‘yong sasabihin mo?” Kunot-noong tanong niya.
“Eh, sa ‘yon lang naisip ko, eh. Anong gusto mo pa bang sabihin ko? Wow na wow, gano’n?” I tried to joke pero hindi siya tumawa. Bumuntong-hininga lamang siya.
“I’m serious, Athena.” Turan niya kaya ako naman ang nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
“Hindi ako nagpapaligaw, Levi. At isa pa’y wala lang din namang mangyayari kung liligawan mo ako kasi hindi lang din naman kita sasagutin, so mapapagod ka lang.”
“Masyado ka namang advance mag-isip. Hindi ba p’wede bang bigyan mo man lang ako ng chance, nang sa gayo’y mas makilala mo pa ako?”
“Bakit ba kasi ako pa? Ang dami-rami namang babaeng nagkakandarapa sa’yo, bakit hindi na lang isa sa kanila ang ligawan mo? Sigurado ka pang may pag-asa ka sa kanila.”
“Hindi naman sila ‘yong gusto ko, kundi ikaw.”
Gosh, Athena! Hindi ka lesbian sa paningin ni Levi, ang haba ng hair mo. Turan ng puso ko sa isip ko.
“Hindi talaga p’wede, Levi, sorry.”
“Okay.” Malungkot n’yang turan. “Pero hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa. Tiyak akong magbabago pa ang isip mo. Naniniwala ako na darating din ang araw na papayagan mo rin akong ligawan ka.”
“Huwag ka nang umasa kasi hindi darating ang araw na iyon. Kahit pa mamuti na ang lahat ng buhok mo.” Natatawa kong sabi.
“Well, let’s see.” He said grinning with a wink.
“So, mauna na ako.” Turan ko nang sumulyap ako sa relo sa kaliwa kong braso. Pasado alas-sais na.
“Sabay na tayo pababa.” Sabi n’yang tumayo na mula sa pagkakaupo. Sabay na kaming lumabas ng opisina niya.
Kunot-noo ko s’yang nilingon nang makalabas na kami ng building nila. Napansin ko kasi na nakasunod pa rin siya sa akin hanggang sa kinapaparadahan ng kotse ko.
“Naliligaw ka ba?” Nangingiti kong biro sa kanya. Expected ko kasi ay sa parking lot siya pupunta kung saa’y tiyak na kinaroroonan ng kotse niya.
“P’wedeng sumabay?”
“Huh? Saan?”
“Sa kotse mo. Coding kasi ako today kaya wala akong dalang kotse.”
“Joke ba ‘yan?”
“Hindi.” Natatawa n’yang tugon. “Seryoso ako.”
“Okay.” Kibit-balikat kong sabi. “Sa backseat ka na lang.”
“Ayoko sa backseat. Magmumukha namang driver kita at saka gusto ko sa tabi mo, eh.”
“Ikaw na ‘tong makikisakay, ang arte-arte mo pa.”
“Eh, gusto ko sa passenger’s seat, eh.”
“Sige na nga, pero teka lang ha.” Turan ko bago ako nagmamadaling sumakay sa kotse ko. Bigla naman akong nahiya kasi kung gaano kakalat ang kuwarto ko’y gano’n din kakalat ang kotse ko. Dinampot ko ang mga kung anu-anong gamit ko na nakapatong sa passenger’s seat bago ko ito basta na lang inihagis sa backseat. “Sakay na, boss.” Biro ko sa kanya nang bahagya kong itulak ang pintuan sa tapat niya.
“Salamat. Akala ko’y makakatulog na ako sa labas sa tagal.” Biro rin niya kaya natawa ako.
“So, saan mo planong bumaba?” Tanong ko pagkalipas ng ilang minutong katahimikan. Ilang kilometro na rin siguro ang layo namin mula sa opisina nila.
“Kung saan mo ako gustong ibaba.” Nakangiting tugon niya.
“Loko ka, Levi, baka mamaya’y mapalayo ka. Hindi ka pa naman yata marunong mag-commute. Baka mamaya’y maligaw ka, kasalanan ko pa.”
“Marunong naman akong mag-commute. Anong palagay mo sa akin, bata?”
“Isip-bata.” Natatawa kong sabi.
“Isip-bata pala ha.” Natatawa ring turan niya bago niya ako biglang kiniliti sa tagiliran ko.
“Ay, sh*t! Levi, nagda-drive ako.” Saway ko sa kanya. Tanging siya lang yata ang lalaking nangahas na kilitiin ako maliban sa kaibigan kong si Melchor. Madali akong makiliti. Kahit nga sa mga kaibigan ko’y naiinis ako sa t’wing kinikiliti nila ako kasi kahit konting dampi lang ng mga daliri nila sa kahit anong parte ng katawan ko’y sadya namang nagtatayuan na ang mga balahibo ko sa katawan kaya tiyak na mabibigwasan ko sila. “Isa!”
“Dalawa…” Tila nang-aasar niya pang sabi habang patuloy pa rin siya.
“Kapag hindi ka tumigil sasapakin na naman kita, tingnan mo.” Banta ko. Tumigil siya sa pangingiliti sa akin, pero tawa siya ng tawa. “Alam mo, feeling ko may kotse ka lang talaga. Trip mo lang mang-inis kaya sumabay ka sa akin at nag-panggap na coding.”
“Coding talaga ako, Faith. ‘Yong ibang kotse ko kasi’y naiwan sa bahay talaga namin. I mean, may sarili kasi akong bahay at doon na ako namamalagi ngayon, isang kotse lang ‘yong dinala ko no’ng lumipat ako.”
“I see.”
“Pauwi ka na ba?”
“Pagkatapos kong kumain.” Tugon kong saglit s’yang sinulyapan.
“Saan ka kakain? Sa Seafood Island?”
“Hindi, ah. Ang mahal do’n, eh. Diyan lang ako kakain sa tabi-tabi. Mura na, masarap pa.”
“P’wedeng sumama?” Nakangiti n’yang tanong. “Nagugutom na rin kasi ako.”
“Eh, hindi ka naman kumakain ng Street foods.”
“Gusto kong subukan.”
“Okay.”
Nagtungo kami sa lugar kung saan pugad ng mga Street foods. Siyempre, ang paborito kong kwek-kwek ang in-order ko. Tig-limang piraso kami ni Levi.
Kasalukuyan kong nilalagyan ng sweet sauce ‘yong bowl ko nang mapansin kong ihinihiwalay ni Levi ‘yong itlog sa balot nitong harina na kulay orange.
“No, no, no!” Pigil ko sa kanya. “Huwag mong balatan. Sabay ‘ kinakain, eh.”
“Okay, akala ko kasi’y hindi kakainin ‘tong orange na balot.” Natatawa n’yang sabi kaya naiiling na lang ako. Obviously, hindi siya marunong kumain ng mga gano’ng klase ng pagkain.
“Kapag binalatan mo kasi ‘yan ay magiging normal na itlog pugo na lang ‘yan, hindi na ‘yan matatawag na kwek-kwek.”
“Gano’n ba? Sorry.” Turan n’yang tumusok ng isa bago niya ito isinubo. The way na ngumuya siya, ang sosyal.
“How does it taste?”
“It taste good.” Tugon n’yang nakangiti. Nag-thumbs-up sign pa siya sa akin.
“Sabi ko sa’yo, eh.” Nakangiti ring sabi ko bago ako nagsimulang kumain. Nang maubos namin ‘yong kwek-kwek ay bumili ako ng dalawang balut. Iniabot ko kay Levi ‘yong isa. “Subukan mo rin ‘to.”
“Balut?”
“Yup. Nakatikim ka na?”
“Hindi pa, pero nakikita kong kumakain ng ganito sina Dylan at Keera.”
“Masarap ‘yan. You have to crack first the bottom part of the eggshell.” Turan ko habang ginagawa ko ‘yong sinasabi ko para gayahin niya ako. “Then, kapag nabutasan na siya lagyan mo lang ng konting asin tapos higupin mo ‘yong sabaw niya.”
“What?” Kunot-noo n’yang tanong habang tila alanganin s’yang gawin ‘yong ginawa ko.
“Higupin mo ‘yong broth, ‘yan ‘yong pinaka-best part, eh.” Nangingiti kong sabi. Tumalima siya.
“Hmm… masarap nga.” Turan n’yang nakangiti.
“Sige na. Balatan mo na.” Utos ko sa kanya habang kinakain ko na ‘yong sarili kong balut.
“Oh, no!” Gulat n’yang reaksiyon. “May sisiw, Athena.”
“Malamang, alangan namang biik ang makita mo diyan.” Natatawa kong sabi na ikinatawa rin niya.
“Parang hindi ko kayang kainin ‘to.” Nakangiwi n’yang sabi habang hawak niya pa rin ‘yong laman ng balut. I bit my tongue kasi parang gusto kong matawa, pero nagpipigil ako. Ang laki na kasi no’ng sisiw na napunta sa kanya. ‘Yong tipong may tuka na at ang itim na ng balahibo.
“Kaya mo ‘yan. Come on.”
“Okay.” Napipilitang turan niya bago niya ito isinubo. Ang tagal niya itong nginuya bago niya nilunok. Hindi ko na napigilan ‘yong tawa ko no’ng halos masuka na siya. Agad ko s’yang inabutan ng tubig.
“Okay ka lang?” Nangingiti kong tanong.
“Yup.” Nakangiti n’yang tugon nang makainom na siya. “Masarap siya.”
“Gusto mo pa?”
“Ayaw ko na!” Maagap n’yang tugon kaya napahagalpak ako ng tawa.
“Saan ka ba nakatira?” Tanong ko sa kanya nang makabalik na kami sa kotse ko. “Ihahatid na lang kita.”
“Hindi na. Nakakahiya naman. Nilibre mo na nga ako ng merienda, eh.”
“Ayos lang ‘yon. Wala namang problema, eh.”
“Huwag na, ayos lang kung ibaba mo na lang ako sa kung saan diyan.”
“Huwag ka ng makulit. Basta, ihahatid na kita.”
Hindi na siya nakatanggi pa sa sinabi ko. Ilang minuto pa ang lumipas nang huminto kami sa tapat ng gate ng isang high-end subdivision somewhere in Quezon City.
“Gusto mong pumasok sa loob?” Nakangiting tanong niya nang tanggalin niya ‘yong seat belt niya. “Para makita mo ‘yong bahay ko. Check mo kung okay ba ‘yong design ng naging architect ko.”
“Hindi na.”
“Sure ka?”
“Yup, sure na sure.”
“Okay. Thank you so much, Faith. Sana’y makabawi ulit ako sa’yo sa susunod.”
“Ayan ka na naman, eh. Ang hirap mong gawan ng pabor.”
“Okay. Hindi na.” Nakangiti n’yang sabi nang bumaba na siya sa kotse ko. “Mag-ingat ka ha.”
“Okay.” Nakangiti ring turan ko sa kanya.
“Ayaw mo talagang makita ‘yong bahay ko?”
“Hindi na. Hindi naman ako interesado.”
“Eh, sa akin, wala ka bang interes?”
“Lalong wala.” Natatawa kong sabi. Bahagya pa s’yang kumaway sa akin bago niya isinarado ang pintuan ng kotse ko sa passenger’s seat. Naiiling at natatawa na lang ako ng muli ko nang paandarin ang kotse ko palayo sa kanya.
Agad kong kinapa ang phone ko sa bag ko nang marinig kong tumunog ito. Si Vince ang tumatawag. I turned the loudspeaker on.
“Yes, Vince?”
“May problema tayo, Athena.” Malungkot nitong turan sa kabilang linya.
“What is it?”
“’Yong dream project natin na Manhattan resort ay naagaw na ng ibang contractor.”
“What? Akala ko ba’y ‘yong kumpanya na natin ang first choice no’ng owner? Anong nangyari? Paanong naagaw ng ibang contractor? Baka magawan pa natin ng paraan.”
“Wala na tayong magagawa, Athena. Isa sa pinakasikat na developer at the same time contractor sa Pilipinas ang nakalaban natin. Alikabok lang tayo sa paningin nila kaya imposibleng mabawi pa natin ‘yon.”
“Sinong contractor ba ‘yang hay*p na ‘yan?” Asar kong tanong. Nakakadismaya lang. Ang dami na naming nasayang na oras at effort para lang mapa-oo ang may-ari ng Manhattan resort tapos makukuha lang ng ibang contractor.
“Ang Tiger Development Corporation.” Tugon ni Vince.
“Sh*t!” I muttered. “Ang kumpanya ng mga Alejandro?”
“Exactly."