CHAPTER 13 (Levi's POV) Muli kong ibinalik ang aking tingin kay Athena. Nakababa na siya mula sa scaffolding. Bahagya pa n’yang pinagpag ang magkabilang kamay niya bago siya nakangiting lumapit sa amin ni Mr. Chua. “Architect Athena, I want you to meet Mr. Levi Alejandro, the president of Tiger Development.” Pakilala ni Mr. Chua sa akin kay Athena. “Hi, Mr. Alejandro.” Pagkuwa’y nakangiting bati sa akin ni Athena. “Hi, Architect Buencamino.” Nangingiti ring bati ko sa kanya. “Architect Athena, ikiku-kuwento ko kay Mr. Alejandro na isa ka sa pinaka-magaling na arkitektong nakilala ko.” Seryosong turan sa kanya ni Mr. Chua. “Mr. Chua, baka naman ho maniwala sa inyo n’yan si Mr. Alejandro.” Pagkuwa’y turan niya bago siya sumulyap sa akin at kinindatan ako. Napangiti tuloy ako. “Dapat

