CHAPTER 23 [Athena’s POV] Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Pasado alas-diyes na ng gabi. Pagod ako, pero tila ba ayaw akong dalawin ng antok. Ang dami-rami kasing gumugulo sa isipan ko. Nakahiga ako sa sofa. Patay ang ilaw sa sala at ang tanging nagbibigay lang ng liwanag sa kinaroroonan ko ay ang liwanag na nagmumula sa TV. Bukas ang naturang aparato, pero wala naman dito ang atensiyon ko. Actually, panay nga ang lipat ko sa iba’t-ibang station, eh. Kung may kasama siguro akong manuod ng mga sandaling iyon ay tiyak na nahilo na. Sinadya kong sa sofa mahiga at hindi sa kuwarto ko dahil nando’n si Levi. Pakiramdam ko’y nalipat sa kanya ‘yong bwisit ko kay Page. Naramdaman ko ang presensiya ni Levi na palapit sa kinaroroonan ko kaya tumagilid ako at nagpanggap na naka-focus ako sa panu

