NAYA MALIA “Malia! Psst!” pabulong na tawag sa akin ni Manang Agnes at sinitsitan ako habang nagluluto ako ng tanghalian dahil uuwi si Fabian ngayon at dito sa bahay mananaghalian. NIlingon ko ito mula sa b****a ng pintuan ng kusina at lumilinga-linga pa kung may ibang tao sa labas o may ibang papasok at dali-dali siyang lumapit sa akin at ipinakita ang dala niyang small pouch transparent plastic na may nakapaloob na pills! Nanlaki ang mata ko, nakabili nga siya at naipuslit ito. “Ito na! H'wag mo hahayaan na may ibang makaalam lalo na si Fabian!” natataranta niyang pasiksik na inabot patago sa kamay ko at nataranta din akong kinuha agad kong isinilid sa bulsa habang kabang-kaba. Para kaming nagaabutan ng bawal na gamot dito at animo'y may mga pulis na maaarii kaming mahuli. Pero ku

