Nakatingin lang ako sa mga messages at dahan-dahang napangiti. In fairness, ang dami kong messages ngayon. Though, 'yong iba ay puro GC lang na walang kwenta. Pero hindi ko na lang iintindihin 'yon at kakalimutan na lang na nakita. Binalik kang ngiti ko. Inuna ko iyong mga GC namin at isa-isa silang nireplayan. 10-Mango Jazz: mga leche. Wag nga kayong maingay. CSS Jazz: magpm na lang kayo!! Me: patay na ko. Dyosang Aihmiel: paano pag ayoko? Bumalik na agad ako sa YouTube at pinagpatuloy ang panonood ko. Mga bwisit na 'yan, inistorbo pa ako. Nasa gitna ako ng pagso-solve ng case. Paano kung makatakas 'yong culprit nang hindi ko nahuhuli? Maya-maya, pinatay ko na 'yong Wi-Fi at chinarge ang cellphone ko. Hindi naman sila mga nagreply na. Lalo na 'yong element na 'yon. May VC-VC pa

