Akalain mo nga naman... ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang, nag-exam pa kami tapos ngayon sembreak na. Isang linggong tulugan na naman 'to at nakawala rin sa pag-aaral... lalo na sa Math. Syempre, tambay lang naman ako sa bahay at tamang kain saka tulog lang. Ayoko namang magbakasyon sa kung saan... wala rin naman akong kasama, e. Magiging loner lang ang dating ko. Wala si Deanne, nasa Japan. Wala naman akong ibang close friends dahil hindi naman ako palakaibigan na tao since birth. Also, I doubt my parents about giving me permission to go to other places. Malabo 'yon. Tiyak na gusto lang akong pag-aralin ni mama hanggang sa mamatay ako. Mula nang nagsimula ang sembreak, lagi lang akong natutulog, magbubukas ng f*******: tapos kakain. Kaso minsan, nakakatamad din magf

