"Sinabi mo talaga?" I nodded again. Kaunti na lang at mababatukan ko na siya. Ang kulit niya. Kanina pa siya tanong nang tanong sa'kin– paulit-ulit lang naman. "Isang tanong mo pa, sisipain na kita." I said as I glared at him. Mukha namang natakot siya kaya iniwasan niya na ako ng tingin at nagpitch na lang. Nanatili lang akong nakaupo at huminga nang malalim. Pang-ilang beses na ba akong bumuntong-hininga? Parang ang dami kong problema na hindi ko alam kung paano iso-solve. Sinabi ko na kina mama na may boyfriend na ako pero hindi naman sila sumagot. They just plainly looked at me tapos iniba na agad ni papa 'yong topic. I wonder kung hindi sila naniniwala? Hindi ko alam pero sure ako na ayaw nila na magkaboyfriend ako. Hindi ko muna sinabi kay element ang naging reaction nina mam

