Nitong mga nakaraang araw, medyo– well, naging busy talaga ako. Bukod sa bukas na ang laban ko sa Science, malapit na rin ang 2nd periodical test... at dahil kailangang maging rank one, kumokopya pa ako ng mga lectures kay Deanne. Nakakapagod talaga. Pero syempre, kailangang ko munang magfocus dito sa Science, bukas na iyon, e! Kailangang kong manalo roon. Another step for the future. Hindi ko rin nga muna pinapansin si element. Sinabi ko naman sa kanya iyon na 'wag niya na muna akong pansinin dahil nga busy ako at okay lang naman sa kanya. Understanding... hindi ko masyadong in-expect pero good thing 'yon. Okay naman kami ni Yttrium. Hanggang ngayon, wala pa ring label iyong relationship namin. I mean, kung friends lang ba or what. Basta. Mahirap naman kasing sabihin na ganito na

