Naglakad lang kami palabas ng subdivision. Nakalimutan ko na rin na may kotse naman pala kami at pwedeng magpahatid na lang kami kay Manong Albert pero dahil masyado akong nainis sa outfit ni Yttrium, nawala 'yan lahat sa isip ko. Pagdating namin sa kanto, pinalabas naman kami ng guard. Kilala na rin naman kasi ako ng guard dito pati si Yttrium dahil no'ng isang beses siyang pumunta rito kasama ako para sa Math tutorial niya sa'kin. Mula no'n, tuwing dumadaan ako rito, inaasar ako ni Kuyang Guard na boyfriend ko raw si Yttrium. Kapag naiisip ko, parang gusto ko na lang sumuka. I mean, hindi ko talaga makita ang sarili ko na magiging girlfriend ako ni Yttrium at magde-date kami tulad ng mga normal na couple. Come to think of it, lalabas kaming dalawa ngayon at pupunta sa ibang lugar. H

