Chapter 5

2134 Words
Pagdating ko sa library, wala pa rin si Yttrium kaya kumunot ang noo ko. Saang lupalop naman kaya nagpunta ang isang 'yon?  Sabi niya ay kakain lang daw siya pero mukhang tumakas na. Teka nga. Ba't ba siya lagi ang nasa isip ko? Pinukpok ko nang mahina 'yong ulo ko at inalog nang bahagya. Kabaliwan 'to. Kabaliwan. Hindi ko siya crush, okay? Hindi ko siya crush. Nasobrahan lang siguro ako sa pag-aaral at kailangan ko talagang magpahinga. Tama, kailangan kong mamahinga. "Uy, baby labs, are you okay?" "Ay, letseng Yttrium!" Tiningnan ko siya nang masama. Saan ba siya galing at bigla-biglang sumusulpot sa kung saan? Para siyang kabute, e. Ang sarap tsinelasin. "Ikaw, ha... ba't mo sinigaw 'yong pangalan ko no'ng nagulat ka? Iniisip mo ako, 'no?" Tumaas-baba ang kilay nito kasama ng usual niyang ngisi na nang-aasar. Damn it. Kung umakto siya lagi, parang nakikita niya ang nasa loob ko o mga iniisip ko. Ano bang mayro'n sa kanya? "Ewan ko sa'yo." Kinuha ko na sa bag ko 'yong sample news, lapis at eraser. Nagsimula ko ng basahin 'yong newsat hindi ko na rin pinansin 'yong element na nasa harap ko. Hindi na rin niya naman ako kinausap kaya mabuti. Mukhang focus na rin siya sa pagre-review. Though, sa tingin ko, kahit naman hindi siya magreview ay may 70% chance pa rin siyang manalo– baka nga mas malaki pa. Siya si Yttrium, e. Sinulyapan ko siya at nakitang nakatitig lang siya roon sa news habang nakapangalumbaba. Ang seryoso ng mukha niya... pati mata. Gwapo naman si Yttrium. Inaamin ko 'yon. May itsura talaga siya kaya nga maraming nagkacrush sa kanya. Isa pa, marami rin siyang talent. At talagang matalino... pero kasi, naiinis ako sa kanya. Tuwing nakikita ko siya, kumukulo 'yong dugo ko. Masyado kasi siyang matalino. At nakakainis 'yon. Alam ko naman na dapat hindi ko ibunton ang galit sa kanya. Hindi niya naman kasalanan na second lang ako lagi. Ang perspective ko lang naman... hangga't nandito siya sa tabi ko at hindi kami gumagraduate, walang mangyayari sa'king iba. May part sa'kin na tinatanggap kong talo talaga ako sa kanya at wala akong chance na matalo siya pero kahit papaano, may maliit pa rin na part na naniniwala ako sa sarili ko... 'yon lang ang pinanghahawakan ko. Napabuntong-hininga ako. Gusto ko nang magtransfer sa ibang school, sa totoo lang. Kaso sabi ni mama, rito ko raw kailangan gumraduate... sa sarili naming school. I mean, sa tita ng dad ko pero dahil walang anak ang tita ng dad ko, balak nitong ipamana ang school kay dad. Yntela's University. Kilala rin ang surname namin pagdating sa larangan ng business. Mayro'n kaming Spanish Restaurant, Chinese Restaurant, Korean Restaurant at Japanese Restaurant. Mayro'n din naman kaming restaurant na makikita lahat ng nabanggit kong cuisine. Kaya nga kailangan kong magsikap pa para naman maging proud sa'kin ang parents ko. Kahit naman kasi amin 'tong school, wala namang special treatment sa'kin. Hindi ako katulad no'ng mga ibang nababasa sa movie at books. Siguro kasi reality 'to. "You okay?" Nabitawan ko ang pencil ko nang magsalita siya at umawang din ang labi ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at tumango saka tipid na ngumiti. "Sure?" I just nodded again. "If you're hungry, just tell me, alright?" For a minute, parang nag-iba bigla ang tingin ko sa kanya. Ang bait niya... at ang gentle ng boses niya. "A-Are you worried about me?" Nahihiya kong tanong at ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko. Ngumiti siya sa'kin. Mas okay sana kung hindi niya ngumiti. Nawala na naman 'yong mata niya, e. "Oo naman. Mahalaga ka sa'kin." Parang na-speechless ako sa sinabi niya. For real? Did he mean it? Parang hindi na yata maialis sa labi ko 'yong ngiti ko. Totoo ba 'yang mga sinasabi niya? Punyemas kang element ka. Ano bang nangyayari sa'kin? I needed to pull myself together. Hindi ako madadala sa mga scheme niya! Akala niya lang, ah. Lagi 'tong sinasabi sa'kin ni manang... kaya wala lang 'yon. Pero kasi, si Yttrium ang unang nagsabi na mahalaga ako at hindi ko siya kamag-anak. Come to think of it, siya ang kinaiinisan ko at pinakahuling taong inaasahan ko na magsasabi ng gan'yan. What if... ako pala ang crush ni Yttrium? Naalala ko, sabi ni yaya, kapag mahalaga raw sa'yo iyong tao, ibig sabihin ay mahal ka no'n o mahal mo siya. So... mahal ako ni Yttrium? I knew it. There was a loose screw in my head. Nababaliw na ako. Masyado yata akong nagpupuyat sa gabi at kung ano-ano na ang pumapasok na imposible sa isip ko. "Paanong mahalaga ako sa'yo?" Tanong ko. "Hulaan mo. Matalino ka, 'di ba?" Napailing na lang ako. Right. Ganito na dapat ang inasahan ko. Kailan ba siya naging matino? "Kailangan ba may dahilan kung ba't ka mahalaga sa'kin? It's just that you're Aihmiel. You're important because you're Aihmiel." Umawang ang labi ko. Hindi ko alam na may kasunod pa pala ang sasabihin niya. Jinudge ko agad siya. Bakit ang bait niya sa'kin ngayon? Medyo nakahinga ako nang maluwag. Hindi niya ako gusto o wala siyang nararamdaman para sa'kin. Buti naman. Mahalaga ako dahil ako si Aihmiel. That gave me some shivers down my spine. It made my heart to beat a little faster. Na-overwhelm siguro. Alam kong totoo 'yon dahil sa pagkaseryoso ng mukha niya. "S-Salamat..." Mahina kong sabi pero alam ko namang rinig niya 'yon. Hindi na rin naman siya nagsalita. No'ng sinulyapan ko siya, nakatingin lang siya sa news at may binubura. Nag-i-edit na siya for sure. Kaya imbis na tumunganga, nagsimula na rin akong magbasa para ma-edit ko na. Mahalaga ako kay Yttrium. Napangiti na lang ako at kinorrect na 'yong mga maling grammar na nakita ko. That really made my day and... made me to smile for a longer time.  I just couldn't erase that memory in my mind. Naisip ko... pwede ko rin sigurong maging kaibigan si Yttrium. Iyon ay kung matatalo ko na siya sa 2nd grading. Nakahold muna ang friendship namin for now. "What?! Sinabi niya talaga sa'yo 'yon?" Sinamaan ko ng tingin si Deanne dahil masyadong malakas ang boses niya. Paano kung may makarinig sa'min o si Yttrium mismo ang makarinig?! Baka isipin no'n ay ang assuming ko! "Oo nga. Ulit-ulit? Kahapon niya pa 'yon sinabi sa'kin pero kapag naiisip ko 'yon ngayon, napapangiti pa rin ako." Ngumiti ako at tumingin sa kisame ng cafeteria. Hindi naman bad thing 'to dahil nafired up ako lalo sa pagre-review. Mas naging eager lang ako na matalo siya para maging friends na kami soon. Lumapit siya ng kaunti sa'kin at nagpangalumbaba. "Hala ka, baka crush mo siya?" Inusad ko sa gawi niya 'yong fries. "Kumain ka na nga lang, kung ano-anong lumalabas d'yan sa bibig mo, e." Kinuha niya naman 'yong fries at kinain. Susubo na ulit sana siya pero bigla siyang napatingin sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Gusto mong maging first, 'di ba?" Best friend ko ba talaga 'to at hindi pa rin siya sa sure sa goal ko? Pero baka ibang first ang iniisip niya. "First? Saan?" "Sa ranking. Tss." Ngumiwi ito at napaisip naman ako. Gusto ko naman talaga, 'di ba? Katunayan, pangarap ko nga iyon, e. Dahan-dahan akong napatango. Ngumisi ito kaya medyo kinabahan ako. Parang may masamang balak, napailing na lang ako. "May plano ako para maging first ka. Gusto mo bang malaman?" Lumawak pa lalo 'yong ngisi niya. Ba't parang ayaw ko malaman? Minsan pa naman ang sarap bigwasan ni Deanne sa mga sinasabi niya. Siya kasi iyong klase ng tao na easy to go palagi. Malaki lang talaga ang fortune niya kaya lagi ring ligtas. "Hmm... parang ayoko." Biglang nawala 'yong ngisi niya at napalitan ng simangot na mukha. "Hindi mo pa nga naririnig, e..." Baka naman worth it 'yong sasabihin niya. I might also try it. "Fine. Ano ba 'yon?" Bumalik ulit 'yong ngisi sa labi niya. "I-seduce mo siya!" Masiglang sabi nito. Naibuga ko na lang ang juice na iniinom ko. Kinuha ko naman agad ang panyo sa bulsa ko para punasan ang labi at ilong ko. "What—" hindi ko na natapos 'yong sasabihin ko dahil biglang nagbell. Ngumiti nang malaki sa'kin si Deanne at tumayo na sa kinauupuan niya. "Sasabihin ko sa'yo mamaya kung bakit." Kinindatan niya pa ako bago siya umalis. Inubos ko muna 'yong pizza bago pumunta ulit sa library. I-seduce ko si Yttrium? Parang gusto kong matawa na maiyak. Ang sarap talagang bigwasan ni Deanne, kung ano-anong sinasabi. "Hi." Inangat ko ang tingin ko at nakita ko siya na umupo sa tapat kong upuan. "Hi," I shortly replied. "Kumain ka na?" I just nodded. Napayuko ako at napangiti na parang tanga. Ba't ba ganiyan siya ganyan ngayon? Nalunok niya ba 'yong bato ni Darna? May nakain ba siyang hindi maganda? Sa four years kong naging kaklase si Yttrium, ngayon lang siya naging ganito sa'kin. Lagi naman kaming magkasama sa journalism noon. Wala akong memory na naging mabait siya sa'kin. Laging masama. Puro asar. At actually, no'ng Grade 8 na matalo ako, tinawanan niya pa ako. Sobrang sama ng loob ko sa kanya no'n. Doon ako nagsimulang maging halimaw sa pag-aaral – pero hindi kasing halimaw niya. But still, kahit ganito siya, gusto ko pa rin siyang murahin. Hindi ako makapagconcentrate, e! "Tapos ka na?" Nilingon ko siya at tumango. "Palit tayo. Check ko 'yong iyo, check mo 'yong akin." Inabot niya ang papel niya sa'kin. "Sige..." Kinuha ko 'yong papel niya at gano'n din naman siya. Sinimulan kong basahin 'yong news. Wala pa rin talagang kupas 'tong element na 'to. Ang galing niya talaga, bakit ba kasi English ang kinuha ko? Dapat pala nag-Filipino na lang ako. Basic language natin iyon kaya marami na tayong background. Though may mga grammar talaga na nakakalito pa rin sa Filipino. "Aihmiel, may wrong grammar kang nakaligtaan." Napatingin ako sa papel ko dahil sa sinabi niya, tinuro niya 'yong wrong grammar. Muntik akong mapahalukipkip pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakaligtaan ko. "Ay, sige. Aayusin ko na lang. Salamat." Ngumiti lang siya sa'kin at tumango. Binalik ko na sa kanya 'yong papel niya. Ang ganda ng title niya. Nakakainggit. Para siyang totoong journalist na kung mag-isip ng title. Para ngang daig niya pa talaga 'yong mga gumagawa ng dyaryo. Ang liwanag lang ng future niya... iyong akin kasi, medyo madilim pa rin. "Yo, guys." Sabay kaming napatingin ni Yttrium kay Kuya Paolo na kakarating lang. "Hi po, kuya..." Agad na bati ko. "Kuya raw, oh, tss..." Inirapan ko lang ng palihim si Yttrium. Asar na element 'to. Panira talaga ng mood. Akala ko pa naman mabait na siya sa'kin. Tapos e-extra na naman siya sa love life ko. Siguro, nainom niya na iyong antidote doon sa nakain niya o nainom para maging mabait sa'kin. Punyemas siya. "Bukas, sabay na kayo sa practice namin. Lagi kayong nagso-solo, e. Kayo na ba, ha?" Tinaas-baba pa ni Kuya Paolo 'yong kilay niya. Kikiligin na sana ako dahil ang gwapo niya roon pero nakakabanas 'yong lumabas sa bibig niya. "Hindi magkakaroon ng kami, kuya..." In-emphasize ko 'yong word na kami sabay titig nang masama kay Yttrium. Kami sana ni kuya, pwede pa. "Sus, 'yong isa nga d'yan, namula pa no'ng sinabi ko na cute siya. Hindi ko sinasabing si Aihmiel 'to, ah." Napatakip na lang ako sa mukha ko at nakapakagat sa labi ko. Damn, nakita niya 'yon?! Yttrium Dash Villafuerte! Isa ka talagang malaking punyemas, letse, peste! Natawa naman si Kuya Paolo at tinapik ang mga ulo namin. "Kayo talaga, para kayong mga bata." Iiling-iling na sabi niya sa'min. "Si Yttrium kaya 'yon!" "Si Aihmiel 'yon, 'no!" Natawa na naman si kuya sa'min dahil sabay pa kaming nagsalita. Sinaway naman kami ng librarian at sinabing 'wag masyadong malakas ang boses. "Bye-bye, ate!" Kumakaway na paalam ni Princess Ai at Sharrish. "Bye!" I just smiled a little. Naglakad na ako papuntang parking lot, nakita ko si Deanne na nakasandal pa sa kotse namin at nagse-selfie. Napailing na lang ako. Para namang wala siyang sariling kotse? E, kakabili niya lang ng Lamborghini last week. Talaga 'tong babaeng 'to. "Jazz, nand'yan ka na pala." Inirapan ko siya. "Hindi. Wala pa 'ko rito," "Gaga. Tara na nga, pag-uusapan pa natin 'yong plano." Hinatak niya ako papasok sa back seat. Mas excited pa siya sa'kin. Kung sakaling gagawin ko man ang plano niya, tiyak na siya ang nasa front seat. Inistart na ni manong 'yong engine at nagsimulang magdrive. "Nand'yan ba si tita?" Nagkibit-balikat ako. "Don't know." Tumingin siya sa labas ng bintana. "Hindi mo talaga crush si Dash?" Seriously, hindi ba niya maintindihan na imposible para sa'kin na maging crush si element? "Hindi nga. Ang kulit nito." Tumango siya. "'Di mo siya magiging crush?" Napairap ako sa tanong niya. "Hindi nga, e. Hindi. Hindi. Hindi. Ayoko sa kanya, galit ako kay Yttrium. Magtatanong ka pa?" She worriedly looked at me. "H'wag na lang kaya nating gawin 'yong plano?" Kumunot 'yong noo ko. "Bakit naman? Hindi mo pa nga nasasabi sa'kin kung paano, 'di ba?" Huminga siya nang malalim. Nawala yata ang excitement niya? "Baka kasi ma-fall ka," 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD