HINDI maitago ni Tanya ang saya at kilig na nadarama habang magkahawak kamay sila ni Taylor. Dahan-dahan silang naglalakad-lakad ng park. Ninanamnam ang malamig na klima at ang pakiramdam na magkahawak kamay silang magkasintahan! "Do you want coffee, sweetheart?" tanong ni Taylor na nilingon ito. Tumango naman si Tanya. Nilalamig na din kasi ito kahit makapal ang suot na jacket at bonet. "Yes, please? May coffeeshop ba malapit dito?" tanong ni Tanya na ikinatango-tango nito. "Yeah. May malapit lang dito, sweetheart. Let's try there," sagot ni Taylor dito na ngumiting nagpatianod sa nobyo niya. Lumabas sila ng park at nilakad ang coffeeshop sa tapat na tinutukoy ni Taylor. Kahit nasa pila sila, hindi binibitawan ni Taylor ang kamay nito. Hawak-hawak niya ang kamay ni Tanya at panak

