PAGKASAKAY ni Gela sa kanyang Porsche sa parking lot ng hospital, unti-unting sumilay ang ngisi na nagbago ang facial expression nitong kanina lang ay tila pasan ang buong mundo sa sobrang lungkot niya. "Ganyan nga, Tanya. Isipin mong. . . aksidente ang nangyari," usal nito sa isipan na nakangisi. Inabot nito ang extra cellphone niya at tinawagan ang tauhan. Umalis na rin siya sa hospital. Nagsuot ito ng earpiece na nagmamaneho ang isang kamay. "Madame," bungad ng lalake sa kabilang linya sabay tawa. Napalapad naman ang ngisi ni Gela. "Good job, Greco. Ang galing ng paraan mo. Nakatitiyak naman akong hindi na magtatagal ang paghinga ng mag-asawa e. At least, magsasama sila hanggang kamatayan, 'di ba?" natutuwang saad ni Gela. Tumawa naman ang lalake. Nakakakilabot ang tawa nito.

