NANIGAS at namutla si Gela sa narinig! Hindi niya lubos akalaing sasabihin iyon ng kanyang mga kaibigan. Kinilabutan ito sa kaisipan na papatayin niya ang mag-asawang Miller. Kahit na hindi niya kadugo ang mga ito, naging mabuti naman sila sa kanya. Si Tanya lang naman ang ayaw niya sa mansion nila. Kaya kung ito ang papatayin niya, magagawa niya. Lalo na ngayon na ikakasal na si Tanya sa lalakeng minamahal nito. Nagpasalin siya ng shot sa bartender na inisang lagok. Nakamata naman sa kanya ang mga kaibigan. Naghihintay ng sagot nito sa suhest'yon ni Antonette sa kanya. Alam ng mga kaibigan niya na hindi talaga siya ang pamangkin ng nga Miller. Na walang iba kundi si Tanya ang totoong pamangkin ng ina nila. Kaya para manatiling tikom ang bibig ng mga ito, siya palagi ang sumasagot sa kan

