BIGLANG bumilis ang t***k ng puso ni Tanya sa tinuran nito. Pakiramdam niya ay may alam si Taylor na hindi niya alam at dapat niyang alamin! "Ano ba ang ibig mong sabihin, Taylor? May dapat ba akong malaman?" tanong nito na bakas ang kaseryosohan sa mukha. Ilang segundo namang tinitigan muna ni Taylor ito. Napanguso na marahang umiling. Sumapo siya sa pisngi ni Tanya and he gently caress her cheek. "Marami nga, sweetheart. But I think, you have to see it in your own eyes. So that you will believe it. Kung gusto mong malaman ang nangyayari sa paligid mo? Go inside the mansion. Pakiramdaman mo ang bawat sulok. Aralin mo ang mga nakakasalamuha mo. Pakiramdaman mo sila at aralin. . . kung kakampi ba sila? O kaaway? Iyon lang naman." Makahulugang saad ni Taylor dito na napalunok. Hindi

