LUMIPAS ang mga araw at naging maayos na ang kalagayan ng mag-asawang Miller. Galit na galit si Gela na naisalba ng mga doctor sa Montereal's hospital ang buhay ng mag-asawa! Akala pa naman niya ay hindi kakayanin ng mag-asawa ang natamo nila sa aksidente. Pero heto at nakaligtas sila sa tiyak nilang kamatayan! Nagpupuyos ang loob nito dahil hindi niya magawang tuluyan ang mag-asawa. Hindi kasi umaalis si Tanya sa tabi ng kanilang mga magulang. Kapag matutulog na si Tanya, si Leo ang pumapalit para magbantay sa mag-asawa. Kaya hindi makakuha ng tiempo si Gela para tuluyan ang mga ito! "Paano 'yan, girl? Nagkamalay na pala ang mga magulang niyo. Ibig sabihin. . . tuloy na naman ang pagpapa imbestiga nila sa'yo, Gela." Wika ni Antonette. Nasa bar sila ngayon. Lumabas na muna si Gela dahi

