Padabog kong hinatak ang maleta para ipagpatuloy ang ilang beses ng naudlot kong pagtakas. Hindi na ako tumigil sa paglalakad kahit pa nagsalita siya ulit. Muli rin niyang pinaandar ang motorsiklo at sinimulan ako ulit na sundan. “You’re my responsibility, Cecelia Amora Sinclair,” mariin niyang sambit. Umiling ako habang nakatingin sa kawalan. Napapagod na akong makipag-away sa kaniya. “Your responsibility is yourself, Father,” pagtatama ko. How did I end up being his responsibility? Aren’t priests supposed to be kind… not like him? “Your dad entrusted you to the church, Cecelia,” pagpapaunawa niya. “From this point on, you fall under my care… and my command.” Natawa ako sa sinabi niya. Isang malaking kalokohan. Wala siyang pinagkaiba kanila Esteban! “I don’t get it… why is everyon

