Kabanata 2 - Mask of Surprises

3316 Words
WARNING: This chapter contains mature scenes and profanities. Please be advised and read at your own risk. ⋆⁺₊⋆ ━━━━⊱༒︎ • ༒︎⊰━━━━ ⋆⁺₊⋆ “Come on, Cecelia!” pagpigil sa akin ni David saka hinarap ang matandang pinili ko ngayong gabi. “Sir, excuse us… I need to talk to her.” Ilang hakbang ang layo namin mula sa matandang ‘yon. Sakto lang na hindi niya maririnig ang pahabol na pasabi sa akin ni David. Papunta na dapat kami ng client ko sa silid pero sumunod pa itong si David. Pinipigilan niya ako at pinipilit na ibang alok ang tanggapin ko. “May pagkagaga ka rin, ano?” galit niyang sambit habang siniguradong hindi kami maririnig ng kahit sino. “If you want me to choose someone else over him… I don’t think I can,” naiirita kong sambit. “Kung gusto mo sila, then market yourself… not me, David.” Hinablot niya ang braso ko sa pambabatikos kong ‘yon. Pero wala na siyang magawa bukod do’n dahil kasama sa kontrata ang malaya kong pagpili ng makakatalik ko. “Five hundred bucks is too cheap for you, dear,” pagpapaunawa niya. “I heard someone offering five thousand bucks for tonight.” Bahagyang naantig ang pandinig ko sa sinabi niya. Pero hindi ko nilingon ang direksyon na itinuro niya. “You heard, huh? Of course you did,” sarkastika kong sambit na lang. Alam ko ang ginagawa ni David sa akin. Pinapakalat niya ang pangalan ko kung kaninong mayaman, sa gayon makakuha siya ng malaking balato sakaling patulan ko. Kung ako mukhang pera, alagad naman ng pera ang bwesit na ito! “I’m not interested, David,” tanggi ko. “You know me… once I’ve made up my mind, hindi na magbabago ‘yon.” “Aren’t you afraid that Aurora would take your place? Nagsawa ka na ba na maging mabenta?” Napahimas ako sa batok saka pilit na hinawi ang pagkakahawak niya sa braso ko. “I don’t care, David,” pagod na tugon ko. “Kunin niya na lahat dahil sa kaniya naman ito noon pa, hindi ba?” “Aurora was right. You’re ungrateful… after everything I did for you!” Napangisi ako nang sigawan niya ako at makuha niya ang atensyon ng ilan. Pero wala na sa akin ‘yon, wala naman na akong papangalagaan na reputasyon. I gave up my name for freedom. I know I’m lost… five years lost. I have no idea what it's like at the end of the road. “What did you ever do for me, David?” mariin kong tanong. “I work hard… I don’t owe you anything!” Mabilis niya akong hinatak patungo sa gilid kung saan walang tao. Hindi na ako nagulat nang ilapat niya ang mabigat niyang palad sa pisngi ko. Napayuko ang ulo ko sa hapdi hanggang sa nangilid ang mga luha ko. Mariin akong napapikit bago nanumbalik ang isipan ko sa nakaraan… sa araw na tumakas ako sa kasal na ‘yon. Sa loob ng kalahating oras, nagawa kong makuha ang mga gamit kong inimpake sa guard house ng bahay namin. Dumaan lang ako roon matapos tumakas sa wedding venue pero hindi ako pumasok. Sinigurado ko ring walang kasambahay o bantay ang nakakita sa akin nang kunin ko ang gamit ko. Nakarating naman ako agad sa airport, hindi kalayuan mula sa bahay namin. Noong gabi ng kaarawan ko, panandalian kong nakausap si Dad. Pero wala siyang kibo nang taliwasin ko ang tungkol sa nais niyang maganap na kasal. Para bang hindi mahalaga ang desisyon o opinyon ko. Hindi niya kailangan ng pagsang-ayon ko. Kaya hindi ko na pinatapos ang gabing ‘yon na hindi nag-iisip ng plano. Subalit wala naman akong balak ituloy ang planong pagtakas. Ang balak ko lang talaga ay kausapin si Esteban at magkasundo kami pareho na huwag pumayag sa kasal. Pero napakaimposibleng pumayag siya, lalo na’t nagawa niya ngang makipaghiwalay sa nobya niya. He will never agree to my ideas. I’m sure of it. He’s too afraid of disappointing his parents. At kung kaya niyang isuko ang lahat pati pangarap niya… puwes, hindi ko kaya! Hindi ako magpapakasal sa kaniya! Hindi ko isusuko ang lahat para sa iba. Makasarili na kung makasarili ang pagpili sa sarili. Pero hindi ko tiniis ang mahabang panahong kasama sila Dad at ang bago niyang asawa para lang sundin ang buhay na gusto nila. I have my own dreams. I don’t want to get married at a young age. I don’t want to marry someone like Esteban… someone who doesn’t love me at all. “You’re going to escape?” Nataranta akong napalingon nang may magsalita. Pero napalitan ang gulat ko nang pagtataka sa lalaking tantiyado ko’y nasa late 20s na ang edad. “Your phone is about to explode, dear,” dagdag niya nang hindi ako makakibo. Agad kong kinuha sa loob ng bag ko ang phone ko. At hindi ko namalayan na kanina pa pala ito tumutunog. “Kung plano mong tumakas dala ang phone mo, you need to turn it off,” bigla niyang abiso. “Pero mabuting alisin mo ang SIM, kasi kung hindi mabilis kang matutunton ng tinatakbuhan mo.” Hindi ako nakakibo dahil sa nagdududa na ako. Hindi kaya utusan siya ni Dad? Hindi ako pamilyar sa lahat ng nagtatrabaho kay Dad. Pero marami siyang lalaking kayang utusan sa anumang naisin niya. “Are you one of them?” mabilis kong sambit saka napaatras. Bigla kasi siyang lumapit sa akin kaya mas nanaig ang kutob ko. Pero agad na nawala ‘yon nang magawa niyang makuha ang hairpin sa buhok ko. “You need this to remove your SIM,” saad niya bago inabot sa akin ang hairpin. Subalit nagboluntaryo na siyang sundutin ang SIM sa phone ko nang hindi ako kumibo. “There you go… you are temporarily free, dear.” Kinuha ko ang phone, hairpin at SIM na iniabot niya sa akin. At hindi ko maiwasang magtaka sa ginagawa niya. Hindi ko rin namalayan na sangkatutak na mensahe at tawag ang natanggap ko mula pa sa nakalipas na mahigit dalawang oras. “I’m David… and sometimes, I’m Devon,” pakilala ng lalaking tumulong kanina. “Cecelia,” simpleng pakilala ko na lang din. Mali ang akala ko. Akala ko kasi ay isa siya sa mga utusan ni Dad pero mukhang hindi naman. My father is homophobic and a hypocrite, kaya hindi ko na pinagdudahan pa si David. And I know ang daming bagay na mali sa dad ko. Pareho sila ni Seravien na nabubuhay pa rin sa mga paniniwala sa nakaraan. Sadyang sabay lang ang biyahe namin ni David patungo sa America. Pareho kami ng destinasyon at magkatabi kami sa business class. “I know you’re running from someone,” saad niya sabay senyas sa suot kong simpleng wedding dress. “Masyado kang wala rin sa sarili kaya hindi mo napagtantong panay ang tunog ng phone mo.” Matipid na tumango na lang ako bago komportableng nahiga sa seat ko. This is my second time flying internationally. Noong bata pa ako ang una na sinama ako nila Uncle Rowel patungo rin sa New York. Naalala ko pa nga ang ilang fashion shows na napuntahan namin. At simula noon ay pinangarap ko na ang maging isang modelo. New York is my dream destination. I want to become a runway model there… walking in beautiful, expensive clothes to inspire others… and to be remembered. “What’s your plan?” tanong ni David. “Dear, living in New York is really expensive.” Natigilan ako sa katotohanang ‘yon lalo pa nang tanungin niya ako sa pinansyal na kakayahan ko. Pero hindi ko ‘yon sinagot pati ang edad ko na kanina niya pa nais malaman. “I have a one-day travel in New York, and after that, pupunta na ako sa California,” pagbabahagi niya. “Doon talaga ang sadya ko pero katulad mo, pangarap ko rin ang New York.” Malungkot akong ngumiti sa mga kuwento niya bago napasulyap sa bintanang nasa gilid na bahagi ko. Maliwanag ang gabi dahil sa city lights at buwan pati bituin. Ilang oras na ang lumipas at mahigit sampung oras pa ang ilalaan bago kami makarating sa New York. Pero nababahala na ako dahil sa mga sinabi ni David lalo pa alam kong hindi sapat ang pera ko para mabuhay ayon sa nais ko. Gusto kong mag-aral abroad at manirahan sa kahit small apartment lang. Pero naalala ko na maliit ang halaga ng peso sa dolyar. Paano na ako nito? Saan na lang ako pupulutin kapag naubos na ang ipon ko? “Tell me your plan, Cecelia,” pangungumbinsi ni David. “I only planned my escape… I forgot to plan how to live.” Mahina siyang natawa at napapailing na lang. Pero hindi ko naman magawang ma-offend dahil sa kagagahan ko. Ngunit kung kukunin ko nga ang anumang card ng dad ko at gagamitin. Ano pang silbi ng pagtakas ko kung mata-track lang din niya ako? “So young and pure… innocent,” sambit niya matapos ilabas ang tawa. “I have a job offer.” Napatingin ako kay David na seryoso na ang boses. Pero imbes na matuwa ay hindi ko magawa sapagkat wala akong alam gawin na trabaho. Wala akong karanasan sa pagtatrabaho. “Anong trabaho ba ‘yon?” tanong ko. “Save my number and call me if you ever need one,” saad niya lang. “I think hindi mo pa kailangan ng trabahong ‘yon ngayon… pero soon, you won’t have a choice.” Nang makalapag sa New York ang eroplano ay naghiwalay na kami ng landas ni David. Pero hindi kami maayos na nakapagpaalam dahil bigla na lang siyang nawala. Sinabi niya rin na hindi pa ‘yon ang huli naming pagkikita. Kaya ayaw niya ring pormal na magpaalam sa akin. Nakahanap naman ako ng matutuluyang hotel. Madali lang naman ang lahat basta may pera. Ilang buwan na pala ang lumipas simula manirahan ako rito sa New York. At masasabi kong malayo ang lahat mula sa mga inaakala ko. It’s hard to live independently. Inaalala ko ang mangyayari sa akin sa susunod na bukas kahit na hindi ko naman alam paano itatawid ang buong araw ngayon. Ang bilis mabawasan ng six digits na ipon ko. Hindi ko alam kung pera ko ba ang binibilang kong maubos o ang nalalabi kong mga araw para mabuhay. Isinantabi ko muna ang pangarap kong makapag-aral sa kolehiyo dahil ang mga state university dito ay may bayad pa rin. Pinilit kong bumangon mula sa higaan ko matapos ang isang linggong inaapoy ako ng lagnat. Buong week na akong tinatrangkaso marahil sa naninibago ako sa paligid. I think anxiety and stress are earting me alive. I haven’t been okay this past week. Pakiramdam ko nga ay hindi na ako aabutan ng bukas, hindi na ako sisikatan ng araw. Each night, I wonder if I’ll ever make it to my 40s. Forty feels impossible. Ni hindi ko nga alam kung magigising pa ako bukas. Nagdesisyon akong bumiyahe patungo sa California matapos kong makontak si David. Wala na akong naiisip na malalapitan bukod sa kaniya. Wala akong alam sa buhay dito sa America. Kailangan ko na ring magpagamot man lang at marahil tanggapin ang anumang alok ni David na trabaho. Pagkarating ko sa lokasyon ay hindi ko kinuwestiyon ang kahit ano. There’s nothing wrong with working in a bar. Pero buong akala ko kasii ay magiging assistant ako sa bar na ito. Hindi ko pa alam ang illegal na kalakaran noon… hanggang sa hindi na ako makaatras, wala na akong pagpipilian. At katulad sa mga rason ng mga bayaring babae na parang noon lang ay napapanood ko sa telebisyon. I also don’t have a choice. Sa oras na wala kang makakapitan, mapipilitan ka na lang kumapit sa patalim. “I know how much money you need, Cecelia! Hindi ba’t nangangarap kang makatapos sa kolehiyo? At pangarap mo ring maging runway model, right?” Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang mga salita niya. Bumalik na ako sa ulirat at mas humindi akong tanggapin ang five thousand bucks na alok ng dalawang lalaking banyaga. Hindi ako tanga para sabihing hindi ‘yon malaking halaga. At isa pa, hindi nalalayo sa edad ko ang edad ng dalawang lalaking ‘yon at alam kong kayang-kaya nila akong ibalibag. Laging matatanda lang ang kinukuha kong client bukod sa mga lalaking madali mapaikot. “Don’t f*cking use my dreams as a leash to make me obey you!” sigaw ko. Natigilan siya sa pagsigaw ko dahil halos santo na ako sa dalang kong magalit. Pero bigla rin akong nagsisi sa ginawa ko lalo na sa malawak na atensyong nakuha ko. At kahit pa matagal na rin simulang nagtrabaho ako rito, ginagawa ko pa rin ang lahat upang mapanatiling tahimik ang pangalan ko. Everyone knows me as Heaven. Ilan lang ang may alam sa buo kong pangalan. Si Ate Ella pala ang nagpangalan sa akin ng gano’n. Kailangan ko raw ‘yon sakaling masangkot ako sa iskandalo. Ang gamit niyang pangalan ay hindi ang pangalan niyang Zarela kundi Sarah. Pinunasan ni David ang luha sa pisngi ko nang makalapit siya saka bumulong. “Ako na ang bahala sa matandang ‘yon, okay?” mariin niyang sambit. “I know you’re tired of working here, but don’t forget… you still have over three months left on your contract.” Hindi ko magawang huminga sa babala niyang ‘yon. I know he’s really mad. “Go take the offer of five thousand bucks. Sixty percent is yours, and the rest goes to us.” Binangga niya ang balikat ko bago nilapitan ang sanang client ko ngayong gabi. Mukhang inaalok niya ‘yon sa ibang kasamahan ko. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang bumalik si David kasama ang dalawang lalaking pinipilit niya sa akin. Naayos ko na ang sarili mula sa short breakdown ko kanina. Muli kong isinuot ang maskara upang magpanggap… isang ngiti at mga banat. “Heaven is free now,” saad ni David sa kanila. “But since she’s the most precious girl we have, your payment only covers one man.” “It’s fine. We bought her for our friend,” saad ng hindi pamilyar na lalaki. “It’s like a birthday gift for Lon.” “Good friends,” sabat ko na ikinatingin nila. “I also don’t do threesome.” “It’s our rule… one man at a time,” saad ni David. Hindi ko na pinagtuunan ang mga sinabi ng dalawang lalaking ‘yon. Kinontra ko rin ang kagustuhan nilang sumunod na makipagtalik sa oras na matapos ang kaibigan nila sa akin. Nagtungo na ako sa red room kung saan tanging mga big client lang ang nakakagamit. Magtungo na raw ako rito dahil sa nandito na naghihintay ang kaibigan nilang nagngangalang Lon. Setup daw nila ito para sorpresahin ang kaibigan. Inalog ko ang bote ng alak matapos sikretong lagyan ‘yon ng gamot pampatulog. “I have a surprise for their friend too,” bulong ko sa sarili habang hawak-hawak ang inumin. Tatlong beses kong kinatok ang pinto bago ito pinihit upang buksan. Nagtaka ako nang makapasok dahil wala sa ordinaryong kulay ang ilaw. Nakapula ang buong room. Wala ring tao kaya ibinaba ko muna ang bote sa lamesa bago umikot. Naiiba pala ang kulay ng ilaw sa mga kuwarto depende sa nais ng client. Nagiging request ang kulay ng ilaw. Red is for high-stimulation, unlike green, which is used for pre-performance activities like lap dance. I can do anything, but not everything. Ginagawa ko pa rin naman ang trabaho ko, sadyang hindi lang makuntento ang ilang lalaki sa mundo. Hangga’t sa hindi nila nakukuha nang buo ang isang bagay ay hindi nila ‘yon titigilan. Pero sa oras na makuha na nila, tatakas sila na para bang walang bayag. “Hello, Heaven.” Napalingon ako agad sa likod nang may bumulong sa may bandang tainga ko. Isang lalaking nakasuot ng raven mask ang pilit na humahapit sa bewang ko. Pero mabilis ko siyang tinulak palayo. “What the hell is this?” naguguluhan kong tanong. “Are you even allowed to do this, huh?” Humakbang ako palayo nang lumalapit siya at hindi nagpatinag. He’s being aggressive! “Are you f*cking drunk or high?” galit kong tanong. Tumawa siya bago ako muling walang permisong niyakap. Mabilis niyang isinandal ang katawan ko sa dingding saka idiniin ang sarili niya sa akin. Napakuyom ako ng mga palad nang agresibo niya akong hinalikan sa leeg habang kung saan-saan dumadapo ang dalawang palad niya. “Let me go!” sigaw ko habang bigo akong maitulak siya. “I-I said, let me go!” Napaungol ako nang sipsipin niya ang balat sa dibdib ko. Batid kong sa loob ng ilang minutong ‘yon ay nag-iwan na agad siya ng mga pulang marka. Hindi siya tulad sa mga client ko noon na nahihiya pa akong hawak o kaya naghihintay pa ng permiso bago gumalaw. “Did you miss me, Heaven?” “Ah, let me f*cking go, you bastard!” Pinunit niya ang damit ko sa may dibdib ko at inangat ako imbes na bitiwan. Kulang na lang din ay mabali ang likod ko sa pagkakadiin niya sa akin sa dingding. Sunod-sunod akong napaubo nang sakalin niya ako gamit ang kanang kamay niya. Habang mabilis namang inaalis ng kaliwa niyang kamay ang suot niyang pantalon. I can’t move. I can’t even breathe! “You’re not allowed to do this!” paulit-ulit kong sigaw. “But you’re allowed to drug your clients, huh?!” Napabitiw ang palad ko sa kamay niyang sumasakal sa akin. Batid kong bakas sa mukha ko ang gulat. I have no idea who this man is. “I-I don’t know what you’re saying!” panlalaban ko. Bago pa niya ako malagutan ng hininga ay agad kong tinuhuran ang pribado niyang parte. Kaya siya na ang kusang bumitiw sa akin nang indahin niya ang matinding sakit. Napagapang ako ‘di oras upang makalayo at tahakin ang pinto palabas. Malulutong na mura ang pinakawalan niya para sa akin habang walang tigil ako sa pag-ubo. Tila ba nakalimutan ko ang paraan ng paghinga dahil sa tindi ng pagkakasakal niya sa akin. “F*ck,” naibulong ko. Nakilala ko na agad ang lalaking ito. Natanggal kasi ang suot niyang mask habang iniinda ang tinuhuran kong pagkalal*ki niya. He’s the man I was talking about. Siya ang lalaking nakasagupa ko kahapon at ang nag-imprinta ng mga pasa sa katawan ko. Hindi sa Lon niyang pangalan ko siya nakilala kahapon. His name last night was River Hamilton! “D-David!” saklolo ko. “Someone help me! Please!” Bago pa ako makalabas ng room ay nahatak na niya ang paa ko at pinilit akong tumayo. Sumunod niya akong binato sa kama na para bang unan lang. “You owned me twice, Heaven!” agresibo niyang sigaw sabay dakma sa leeg ko. “You drugged me last night… and now, you almost killed me!” “N-No! I didn’t do anything! Bouncer, please!” Wala akong tigil sa kakasigaw at kakapiglas habang nasa ibabaw ko siya. Kulang na lang ay ipako niya ako sa kama dahil sa buong bigat niya ang nakadagan sa akin. “I’ll make sure to get what I paid for, you sl*t!” Nanlalabo ang paningin kong inaninag ang bote ng alak sa lamesa. Mukhang sa pagkakataong ito ay hindi na ako makakalusot pa. Hindi ko magawang kumilos upang tumakas nang damputin niya ang mask sa sahig at sinuot ‘yon muli. Napatitig na lang ako sa kisame. Ang pulang ilaw ay unti-unti ng nagiging itim. I don’t know exactly what he did. Pero hindi kinaya ng sarili ko ang bigla at malakas na paglapat ng kamao niya sa mukha ko. It made me feel faint. I feel like I was caught in the middle of an earthquake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD