Chapter 36 I slipped in and out of consiousness. Nakita ko si tito Eric na alalang-alala ang tingin sa akin. Nandoon din si Aahmes na may tinurok sa braso ko. At si Sir Go... si Reubert na hindi bumibitaw sa kamay ko. ”Kamusta ang vitals n’ya?” ”Nathan? Naririnig mo ba kami?” ”Ano’ng nangyari sa kanya?” Ayokong gumising dahil mananakit lang ang katawan ko. Gusto ko na lang lumutang sa kawalan habang nakakapit kay Sir Go at nalalanghap ang kanyang bango. Pero makukulit sila. ”Kuya gising na!” Natigil ang hampas sa braso ko nang idilat ko ang mata ko. ”Nathan!” Nasa loob ako ng puting silid. “Nathan, alam mo ba kung ano’ng nangyari sa `yo?” si papa. “Ano ba namang tanong `yan?” si tito Eric. “Nathan, sige, pahinga ka pa muna.” ang magaan na kamay ni ate Bless sa noo

