Chapter 58 “`Wag mo akong hawakan! Masakit pa rin likod ko dahil sa `yo!” naiirita ko’ng sabi kay Reubert habang namimili ng maisusuot sa walk-in closet niya. “Isusukat ko lang ito’ng shirt sa `yo!” natatawang sagot niya. “Okay to, sleeveless turtle neck, ternohan mo ng fit na jeans, ang sexy mo’ng tignan niyan.” “Mas gusto ko `yang suot mo.” tinuro ko ang suot niyang moss green turtleneck sa ilalim ng kanyang coat. “Ito’ng puti na lang ang isuot mo.” “Hmm... suot ko na lang kaya `yung regalo mo’ng choker?” “`Wag!” napalakas ang sabi ko nito, napataas tuloy ang kilay ni sir. ”Akala ko ba ayaw mo’ng ipaalam na omega ka?” umiwas ako sa kanya ng tingin. Pumunta ako sa shelf niya ng mga pantalon at pumili ng fit na maong. “Hmm? Ayaw mo ba’ng may alpha na lumapit sa `kin?” Iniik

