Chapter 56 ‘BLAG’ Napatingin si Dan sa pinto na biglang bumalibag pabukas. May mga kalalakihang pumasok dito, nakasuot ng itim na uniform ng SWAT unit, complete with bullet proof vests, visors, at may dala pa’ng batteling ram. Mula sa likod nila ay may sumugod papasok na apat pang mga officers. “Freeze!” sigaw ng mga ito na nagtutok ng mga baril kay Dan, ngunit imbes na sumuko, ay hinatak ako ni Dan at itinakip sa kanyang katawan. Kinuha niya ang injection sa kanyang tabi at itinutok ito sa leeg ko. “Lumapit kayo at sasaksakin ko s’ya!” sigaw niya pabalik sa mga SWAT. Tumaas ang kamay ng isa sa mga officers, pinigilan ang mga kasamahan niya. Napatitig ako rito. “Bitawan mo na s’ya, napapalibutan na namin ang buong lugar. Wala ka nang takas.” mahinahon nito’ng sinabi. “Walang

