Chapter 22 “Good morning Nate!” bati sa akin ni Josh kinaumagahan. Kasama n’ya si ate Blessing sa kusina at naghain ng bacon and eggs sa mesa. May nakalagay na ring pancakes dito at sliced fruits. “Ano gusto mo, coffee or hot choco?” tanong pa n’ya. “Hot choco, please.” umupo na ako sa aking puwesto at sumubo ng melon. “Nasan si papa?” “Nasa kuwarto pa, nagbibihis.” napalingon ako kay Josh. “So, sa kuwarto ka nga n’ya natulog?” Namula bigla ang mukha ng binata. “W-wish ko lang!” tumatawa niyang sagot. “Ikaw, Nathan, ang utak mo, ha?” tinuktukan ako ni ate sa ulo. “What? Legal age nanaman si Josh, eh, besides, they are both willing.” “Haay... kung alam mo lang,” umupo si Josh sa tabi ko at namapak ng bacon, “iyang si Louie, masyadong strikto! And daming bawal! may sinasabi

