Chapter 54

2300 Words

Chapter 54 Inabot na kami ng alas-dos ng madaling araw sa aming usapan. Pumunta kami sa sala matapos kumain para doon mag-usap. Nakatulog na nga si Josh sa kandungal ni Papa, kahit nagpumilit pa siya na makinig sa amin. ”Tulo laway na `ya’ng kasama mo.” turo ko sa batang nangingiti pa habang nananaginip. Si papa naman ay seryoso, nag-iisip ng lunas para sa hinain ko sa kanyang kaso. ”So, sa tingin n’yo, balak talaga ni Dan patayin ang kaklase mo?” panlilinaw ni papa ”At bakit ba kailangang si Jaydie Daniel pa? Kung bakit kasi nilapitan mo pa `yung bata, matapos nang nangyari sa inyo!” ”Papa, tapos na, eh, wala na `ko’ng magagawa doon, ang importante, ngayon. Umaasa ako na `di pa alam ni Dan na buhay si Jaydie, kaya’t kailangan nating kumilos agad.” ”Iniisip po namin na sinadya niyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD