Chapter 17 Madilim ang loob ng maingay na silid. Tanging maliliit na pulang ilaw lang ang makikita sa magkakahiwalay na cubicles na paikot. Nalilibutan ng mga bares ang bawat cubicle na tila ba mga hawla ng ibon, at pabilog na kama ang laman nito. Sa loob ng mga hawla na ito ay mga alpha na nagpapaka-sarap sa mga omega na halatang nasa estrus. “A-anong klaseng lugar ito?!” gulat ko’ng tanong kay Dan. “Ito ang paraiso ng mga alpha!” sagot ng aking kaibigan. “A place where your darkest fantasies can come true.” Napatingin naman ako sa stage na nakatayo sa gitna ng silid. May dalawang lalaki na nagsasayaw sa tuktok nito. Nakasuot sila pareho ng gas mask, at parehong kaakit-akit ang hubog na mga katawan na walang saplot. “I-is this even legal?” nakatunganga ko’ng tanong. “Obviously no

