Chapter 28 “Ha?” medyo napalakas ang boses ko. Agad ko’ng tinakpan ang aking bibig at tumingin sa parteng harapan. Buti at wala nang ibang tao sa paligid. ”Teka... what about confidentiality?!” tanong ko kay tito Eric. “Wala naman ako’ng sinasabing pangalan, ha?” sagot nito. “You said he was in your campus, so I decided to come here!” “With me in tow.” “I plan to sniff him out myself!” Ang ganda ng ngiti sa mukha ni Aahmes sa pagsabi n’ya noon. Nagmukha siyang mas bata kumpara sa usual itsura n’yang nakakunot ang noo at pababa ang tingin sa ibang tao. Well, he is taller than me after all. “Basta, wala ako’ng kinalaman dito, pinilit n’ya lang akong samahan s’ya.” pahabol ni tito. “At paano mo naman siya balak i-sniff out?” tanong ko. “I have a very sensitive nose!” pagmama

