Chapter 38 Matapos mag-merienda at magka-kwentuhan ay nagpaalam na ako para ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. “Sama na `ko sa `yo.” presinta ni Sir Go. “`Wag na, ako na lang.” naiinis ko’ng sagot. “I insist.” sagot n’ya, “Para matulungan na rin kita sa pagbuhat.” ”Oo nga, kuya, para mabilis, mahilig ka pa naman mag procrastinate pag naglilinis ka!” bisto ng kapatid kong magaling. ”Hay nako, sige na nga at nang matapos na!” padabog akong tumayo at pumanik sa second floor. Sumunod si Sir Go sa akin. ”Just so you know,” sabi ko sa kanya, “Wala akong balak matulog sa kuwarto mo!” Binuksan ko ang aking pinto at pinapasok siya sa silid ko. ”Hmm... kung ganito ka kakalat sa kuwarto, mas mabuti pa nga na sa baba ka na lang matulog.” ”T-talagang sa baba ako matutulog!” naiirita k

