"Let's find out kung hindi ka nga ba talaga masarap," pabulong na anas ni Killian na muntikan nang nagpabuway sa pagkakatayo ko. Kakaibang kilabot ang naramdaman kong lumukob sa'kin kasabay nang pagkawala ng lakas ng mga binti ko. Hindi rin nakatulong nang pumaikot sa baywang ko ang mga braso ni Killuan upang saluhin ako mula sa muntikan ko nang pagkatumba. Pero iglap lang, mula kay Killua ay natagpuan ko ang sarili sa mga bisig ni Killian. Bago pa ako makahuma ay biglang binihag ni Killian ang nakaawang kong mga labi. Iyong first kiss ko! Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na sa ganitong paraan ko maranasan ang first kiss at sa tao pang hindi ko boyfriend! Dahil unang halik ko nga kaya hindi ko napaghandaan ang iba't ibang emosyong nagsalimbayan sa buo kong katawan. Gano'n pa man a

