Kasalanan ko ito. Suminghot ako. Umiiyak ako habang nagpreprepare ng maligamgam na tubig kay Juade at isang towel. Dapat pala hindi ko naisipang pahirapan ng ganun si Juade. Tinetesting ko lang naman kung saan aabot pasensya nya eh. Di ko naman alam na ganito ang kalalabasan. Siguradong dahil sa sobrang pagod at tirik ng araw ang dahil kung bakit sya nagkasakit. Dala dala ang isang maliit na palangganang may lamang maligamgam na tubig at isang bimpo ay bumalik ako sa living room at kaagad na lumapit kay Juade. Basang basa ang damit nya kaya naman ayon ang una kong tinanggal. Nahihirapan akong hubadin sa kanya iyon dahil nakadapa si Juade. "F-fely.." tawag sa akin ni Juade na unti unti ng nagigising. Halos di ko pa nga marinig ang kanyang boses dahil sa hina non. "I-ikaw ba yan?"

