"Mamimiss ko ang Batanes" suminghot singhot ako habang tinitingnan lahat ng pictures na napakadami. Bukas ang flight namin pauwi kaya naluluha na ako habang pinagmamasdan lahat ng kuha naming pictures ni Juade. Nagiging corny pa rin si Juade pero hindi na gaano. Maybe he is just excited that time. Pero nagpaplating na siya tuwing nagluluto. Nagpapaturo siya kay Rev kung paano magdesign ng plato dahil ang corny raw ng hugis pusong kanin. He always give me flowers and chocolate. Minsan fruits dahil bawal din sa akin lagi ang matamis. "Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ni Juade na siyang nagaayos ng gamit namin. "Souvenirs?" "Wala na naman na. Nabili ko na lahat ng nasa listahan ko. Ikaw ba?" "Hmm...me too. Hindi ka pa pagod? Gusto mo na bang humiga? Matatapos na ako dito. Wait

