HANNA’s POV “Whatever you are thinking right now . . . yes. It’s true.” Lalong sumagana ang luhang naglandas sa pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung nabasa niya ang nasa isip ko. Pero siguro, oo. Dahil sa paraan kung paano ako nag-react nang makita ko ang bata. Gano’n din nang tanungin ko ito kung kanino siyang anak. Dahan-dahan ko siyang nilingon hanggang sa magtama ang mga mata namin. “May . . . anak kayo? A-Alam ba ni Gino?” “Hindi. And please. Please, don’t tell him.” May bakas ng pagkataranta sa mukha niya. Bakit? Bakit ayaw niyang malaman ni Gino? “Hindi n’ya alam at wala akong planong sabihin sa kan’ya, Hanna. Alam kong hindi lang ako ang pabor doon. Ikaw rin, ‘di ba?” Oo. Ayokong malaman ni Gino na may anak sila. Ayoko, dahil baka iwan ako ni Gino at b

