HANNA’s POV I miss you so much, Gino. Thoughts like that are why I’m drowning myself in chocolate. It’s been three weeks since he brought me home. It’s been three weeks since I’ve laid eyes on him. Tamang binilhan niya ako ng cell phone, pati na rin ang sarili niya noong sinundo niya ako sa school at pinilit na sa kaniya sumabay imbes na kina Kim. Pero ang cell phone kong bago, ni minsan ay hindi man lang tumunog dahil sa tawag niya. Dalawang beses niya lamang din ako nakuhang i-text. Iyon ay noong unang linggo ko rito. Ang unang text niya ay tinanong niya ako kung kumusta ako. Ang pangalawa ay sinabi niyang pupunta siya kinabukasan para dalhan ako ng grocery at budget. At oo, sumapat naman iyon. Sobra-sobra pa sa pangangailangan ko. At pakiramdam ko, hanggang dito na lang talaga ka

