HANNA APRIL BRILLENTE “Ang tanga mo naman magbigay ng dare, mhie!” inis na sermon sa akin ni Kim. Magkakaharap muli kami nila Phoenix dahil pagkatapos ng klase ay dito kami dumiretso sa shop niya. At hayun nga, hindi rin ako nakapagpigil at naikuwento ko sa kanila hindi lamang ang truth or dare namin ni Gino, pati na rin ang nangyari kagabi. Mula sa paghahatid ko ng pagkain sa kaniya, hanggang sa pag-alis ko nang umiiyak sa bar niya. “Kung ako sa’yo, paiinumin ko siya ng isang boteng hot sauce hanggang sa mamaga nguso n’ya!” dagdag pa niya. “Yung dare mo, Hanna, pang your own benefits,” natatawa namang sabi ni Phoenix at bahagya pang napailing. “Alam naming laglag na laglag panty mo kay Gino. Pero sana man lang ‘yung dare na medyo makakaganti ka. Kung ako ‘yon, uutusan ko s’yang iuntog s

