The day of the accident… GINO’s POV Malakas na sigawan at pagtatalo sa loob ng sasakyan ang bumalot sa ‘min bago ko kinalma ang sarili ko. I was drunk. And tired. Tired of everything. Tired of the heaviness in my chest that no matter how much I wanted it gone, it never will. Lalo na ngayong nakita ko ulit si Minzy. Bumalik lang lahat sa ‘kin ng sakit at kirot noong makita ko ang video kung saan nakapatong sa kaniya ang hayop niyang ex-boyfriend. And I wanted to throw up at the thought. But suddenly, there’s a van. My hands grip the steering wheel. But I can’t see. It’s too bright. Bigla akong nakaramdam ng takot. Natakot ako para kay Minzy at sa batang kandong niya at yakap doon sa backseat. Kaya ginawa ko ang makakaya ko para iwasan ang kasalubong naming mabilis na sasakyan.

