HANNA APRIL BRILLENTE “Gino…” Humakbang siya palapit sa akin. Pumuwesto siya sa tabi ko at muling hinarap si Graham. Si Graham din ay nakatingin sa kaniya, at tila nababasa ko na agad ang nasa isip niya. Na sino itong kasama ko. “Ah. Graham,” tinuro ko si Gino, “—asawa ko. Si Gino.” Kay Gino naman ako humarap. “Babe, si Graham. Uhm. Nagkakilala kami dati noong bata pa ‘ko. Elementary days. Classmate kami." Bahagyang ngumiti si Graham at ini-offer ang kamay niya kay Gino. “Nice meeting you, man.” Ilang segundo bago iyon tanggapin ni Gino. At hindi nakaligtas sa akin ang mahigpit niyang pagpiga sa kamay ni Graham, na pati si Graham ay medyo nagulat din. Pero nakita kong mabilis siyang gumanti. Hinigpitan niya rin ang kapit sa kamay ni Gino. Halatang-halata iyon sa mga ugat nila sa kamay n

