“BRUHAAAA!” Paglapit ay sinalubong ni Isla ng mahigpit na yakap ang matalik na kaibigan. “Sibby!” Nang lumayo ay malapad na nakangiti at tinitigan siya nito. “You look better.” “Thank you, and welcome to Scotland,” nakangiting sagot niya. “I’m excited to be here!” Mula sa Aberdeen Airport ay nagmaneho siya pauwi. Tinulungan pa niya ito sa luggage nito paakyat. Masayang pinatuloy ni Isla ang kaibigan sa loob ng apartment. “Clyde, would’ve happy to see me. You know I’m his favorite friend of yours,” sabi pa nito. Natawa siya. “Oo nga. Kapag ikaw ang kasama ko, hindi iyon mag-aalala sa akin.” Dinala niya si Sibby sa guest room, pagkatapos ay lumibot ito sa buong apa

