Chapter 5

1995 Words
HALOS mawalan ng lakas sa mga binti si Isla nang makita sa morgue ang wala nang buhay na katawan ni Clyde. Kung hindi pa siya inalalayan ng biyenan at ang kapatid ng asawa na si Clint, baka napaupo na naman siya. Walang patid ang pag-agos ng mga luha niya. Walang tamang salita ang puwedeng makapaglarawan ng sakit na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Their life as a married couple is just starting. Bumubuo pa lang sila ng pangarap ni Clyde. Paano sa isang iglap ay nawala ito sa buhay niya? “Clyde! My son!” palahaw na iyak ng ina ng asawa habang nakayakap sa katawan nito. Natutop ni Isla ang bibig nang makita ng malapitan ang katawan ng asawa. Puro sugat ito sa mukha dahil sa mga bubog mula sa nabasag na salamin ng kotse. May mga fracture ito sa iba’t ibang ng katawan. Ngunit head trauma ang kinatamay nito. Ayon sa mga doctor na nakausap nila, dead on the spot si Clyde at Noah. Samantala si Josephine naman ay humihinga pa nang maisakay sa ambulansiya pero binawian din ng buhay bago pa man makarating sa ospital. She held his face gently and embraced him. No words came out of her mouth except the sound of grief and pain. “Why are you there? Why are you lying there? Hindi ba dapat nasa opisina ka? Iyon ang sinabi mo kanina sa akin, may meeting ka. Kaya anong ginagawa mo diyan? You should get up now, Sweetie. You’re late for your meeting. Please, get up,” tila wala sa sariling pagkausap niya sa wala ng buhay na asawa. “Isla, he’s gone,” garalgal ang boses na sabi ni Clint. Mabilis siyang umiling. “No, he’s not. He just fell asleep,” tanggi niya. “Oh, darling…” umiiyak na pag-aalo sa kanya ni Sharon. Sunod-sunod siyang umiling. “H-He’s not dead. He’s not dead. He promised he won’t leave me,” paulit-ulit na sabi niya at pilit na kumawala mula sa pagkakayakap ng mag-ina. Muli niyang nilapitan si Clyde at tinapik ang pisngi ng paulit-ulit. “Your body is cold, wake up now!” “Isla, that’s enough!” awat sa kanya ni Clint. Agad siyang pumiksi at muling hinawakan sa pisngi ang asawa. “Clyde, get up! You have to wake up, please! You can’t do this to me?!” This time, all her emotions exploded. Isla screamed and cried hard, and loud while embracing her husband’s lifeless body. “You can’t leave me alone like this! You promised me, you’ll stay with me! You’re the only family I have! Sweetheart, you have to wake up now.” She stayed there with Clyde. Embracing him while pouring down all her emotions inside. Trying to sink in her mind that her husband is dead. Mayamaya ay naramdaman niyang muli siyang niyakap ng byenan. Nang bitiwan niya si Clyde at humarap dito. Niyakap siya ng mahigpit at sa mga bisig nito muli siyang napahagulgol ng iyak si Isla. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang umiiyak. Pero napahinto siya nang maalala si Josephine. Lumabas siya at pumunta sa kabilang silid. Nag-doble ang sakit na nararamdaman niya nang maabutan si Spencer. Nag-iisa. Yakap ang walang buhay na katawan ng asawa habang hawak ang kamay ng anak. Lakas loob siyang lumapit sa lalaki. Nang lumingon ito sa kanya, gaya niya, tumambad ang mukha nito na puno ng matinding lungkot at pagdadalamhati. Nang tumingin siya kay Josephine, kinuha niya ang kamay nito. “Bakit pati ikaw? Ikaw lang ang kaibigan ko dito,” tangi niyang nasabi. Walang nagawa si Isla, maging si Spencer, kung hindi ang umiyak at sabay na maluksa sa biglaan pagkawala ng pamilya nila. IT HAS been exactly one week since the death of Clyde, Josephine, and Noah. Nakulong ang driver ng delivery truck. Pitong katao ang naging biktima ng aksidente. Ayon sa mga pulis, nag-overspeeding ito. Dahil winter at madulas ang kalsada, nawalan ng kontrol ang driver ng truck at inararo nito ang iba pang sasakyan na nadaanan nito at huli nitong nabangga ang kotse ni Clyde na tumaob ng tatlong beses. Limang sasakyan ang inararo ng truck kasama na ang kotse ng asawa. Sa lahat ng naging biktima, si Clyde, Josephine at Noah lang ang binawain ng buhay. Minsan nga, naisip niya, bakit si Clyde pa? Bakit si Josephine at Noah pa? Bakit kung sino pa ang mabuting tao sila pa ang nawala? Halos isang linggo na ang nakalipas, nailibing na ang tatlo. Her mother-in-law asked her to stay at her house but she refused. Gusto niyang umuwi sa bahay nila ni Clyde. Wala siyang ibang gustong puntahan kung hindi ang lugar kung saan sila bumubuo ng pangarap. Pero ilang minuto na siyang nakatayo sa tapat ng pinto ay hindi pa rin niya iyon binubuksan. Wala siyang lakas ng loob. Puno ng takot ang kanyang dibdib. Natatakot siya dahil pagbukas niya ng pintong iyon, alam ni Isla na wala na ang taong sasalubong sa kanya. Wala na ang magandang ngiti na bubungad sa kanya. Hindi na niya maririnig pa ang boses ng kanyang asawa na masaya sa kanyang pag-uwi. She will no longer hear him say his I love yous, his encouragement every time she doubts her self. Wala na ang hahalik at yayakap sa kanya na puno ng pagmamahal. There’s no more Clyde whom she will sleep with at night. That day is supposed to be like any other regular days in her life. Chill. Relax. Happy spending time with him. But it’s not like that anymore. Her days will never be the same again. And she wasn’t prepared to be alone at all again. Minsan, gustong magalit ni Isla kay Clyde. Paano siya nagawa nitong iwan ng ganoon na lang? He knows she has no one in life expect him. Why now? Why him? Bigla niyang pinahid ang luha sa kanyang pisngi nang mapalingon dahil sa pagdating si Spencer. Gaya niya ay galing din sa sementeryo ito. They just looked at each other with so much sadness and grief in their eyes. He looks as much as devastated as her. Malungkot lang itong ngumiti sa kanya pagkatapos ay nilagpasan na siya. “Spencer,” tawag niya dito. Lumingon ito sa kanya. “I’m just here.” Pilit siyang ngumiti at pinigilan ang sarili na muling umiyak. Tumango ito at tuluyan nang pumasok sa loob. Ilang sandali pa, mula doon sa labas ay narinig niya ang malakas na hagulgol ng pag-iyak nito. Natutop niya ang bibig at hindi na napigilan pa ang muling paghagulgol.           “Lord, how can we overcome this pain?” she prayed. Nang makaipon ng sapat na lakas ng loob. Saka niya binuksan ang pinto. Tumambad sa harap ni Isla ang magandang ayos ng bahay. It used to be full of happiness. A home filled with love and dreams. But now, it’s suddenly empty and useless. Napalingon siya sa isang box na nakapatong sa may coffee table. Natatandaan niya dumating iyon noong isang araw pero hindi siya nag-abalang buksan. When she opened it. Muling nadurog ang puso niya nang makita ang laman niyon. It was Clyde and her wedding photo. It was supposed to arrive last week, pero na-delay ang dating ng isang linggo. Kinuha ni Isla ang malaking picture frame at naupo sa carpeted floor. “Hindi mo man lang nakita ito? You look so happy here, Sweetheart,” pagkausap pa niya sa asawa na para bang naririnig siya nito. Kasabay ng pagpikit ay ang muling pag-agos ng luha. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang emosyon at tuluyan napahagulgol ng iyak saka niyakap ang picture frame. “Ang daya daya mo naman! Iniwan mo ako agad. Ni hindi mo man lang ako hinanda sa araw na ‘to. Nagsisimula pa lang ang buhay natin dalawa bilang mag-asawa. Bakit ka umalis agad? We have so many dreams, we plan so many things to do together. We still have plans to go on a month-long honeymoon. Sabi mo tatapusin mo lang ang mga importanteng trabaho sa opisina mo. How can I live like this, Clyde? How?” bulalas niya habang patuloy na humahagulgol ng iyak. Minsan, hindi maiwasan magtanong ni Isla sa Diyos. Bakit niya binawi agad si Clyde? Nagsisimula pa lang sila ng buhay bilang mag-asawa. Gumagawa pa lang sila ng mga alaala. Clyde is all she has. Wala na ang mga magulang niya. Wala siyang kapatid. Ni wala siyang kilala na kamag-anak. Si Clyde na lang ang tangi niyang pamilya. Ngayon wala na ito. Paano na siya? Kasunod niyon ay naalala rin niya ang kaibigan. Si Josephine, si Noah. Paano na si Spencer? Gaya niya, umiikot ang buhay nito sa pamilya nito. Ngayon wala na ang buong pamilya nito. Paano na ang lalaki? Biglang naalala ni Isla ang minsan pag-uusap nila ni Jo. She asked her to take care of Spencer is she’s gone. Sa gitna ng pagluha ay marahan siyang natawa at umiling. “Jo, paano ko aalagaan ang asawa mo kung pati ako halos mabaliw sa lungkot gaya niya?” tanong niya sa kaibigan habang walang hinto sa pag-agos ang luha.   Malungkot siyang napangiti nang maalala ang bilin nito sa kanya. She said that as if she knew what was going to happen. Pero paano niya matutupad ang pangako kay Jo kung siya mismo hindi alam kung saan at paano sisimulan ang buhay na wala ang taong nagsisilbi niyang lakas.     “I BROUGHT something for you, darling. I got here some fresh salmon, some potatoes for mash that you can eat with these sausages. I got here some bread,” Sharon said, Clyde’s mom. Napangiti siya. “Thanks. You didn’t have to do this.” Malungkot itong ngumiti. “But I want to, I want to take care of you. Clyde asked me to look after you when he’s not around. He said that before you got married. But who would’ve thought that he will leave us this early?” Muling bumigat ang damdamin niya. “Thank you,” wika ulit niya. “How are you, Isla? And I want the real answer.” Nangingilid ang luha na malungkot din siyang gumanti ng ngiti dito. “Getting by. It’s hard but I’m trying my best. I know, Clyde doesn’t want to me stay miserable. But it’s hard. It’s hard to wake up every day that I can no longer see him beside me.” “Oh, darling…” Niyakap siya ng mahigpit ni Sharon. “You’re not alone. I’m here for you and Clint. You can come to us anytime. You can live with me anytime; my house is always open for you.” “Thanks. You’re always so nice to me.” “Oh dear, I love you. You’re a daughter I never had. And even if Clyde is no longer with us, that will not change anything between us.” “Thank you, Sharon. I wish, Clyde is here,” garalgal ang tinig na sabi niya. “I’m pretty sure he’s watching us from heaven right now, especially you. You know how much he loves you.” Nagtagal pa si Sharon doon ng thirty minutes bago siya iniwan. Matapos ihatid sa pinto, isasarado na lang niya iyon nang mapatingin sa bandang kanan, partikular sa katabing pinto. She hasn’t seen Spencer since the day they laid Clyde, Josephine, and Noah to rest. Huminga siya ng malalim at lumabas, pagkatapos ay kumatok sa pinto nito. Nakailang katok na siya pero hindi pa rin nito binubukas ang pinto. Paalis na sana siya nang bigla iyon bumakas, ngunit walang Spencer na sumilip man lang.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD