“SPENCER,” tawag niya dito habang abala ito sa pagmamasahe ng kamay niya. “Hmm?” Habang kumakain kanina, gaya ng dati, puno iyon ng tawanan at kuwentuhan dahil sa mga jokes na pang-nineties nito. Kung mayroon man siyang nadiskubre sa pagkatao ni Spencer. Iyon ang pagiging masayahin at makulit nito. Isang bagay na hindi niya nakita noon bagong dating pa lang siya doon sa Aberdeen. Kaya medyo nanibago pa siya nang unti-unting lumabas ang totoong ugali nito. He loves to laugh. Bumalik na rin ang gana nito sa pagsasayaw. Naging active din ito sa social media at doon nag-a-upload ng videos na sinasayaw ang mga pinasikat na dance routine ng grupo nito. “Naisip ko lang, paano kung lumipat ako ng bahay? Or bumili na ako ng bahay?” Natigilan

