“BUMILI kayo ng bahay?!” gulat na ulit ni Sibby sa sinabi niya. “Oo nga,” sagot ni Isla. “As in, sa inyong dalawa? Pera n’yong dalawa?” tanong na naman nito. “Ang kulit, oo nga,” natatawang sagot ulit niya. Hindi agad ito nakaimik at tila nag-isip ng malalim. “Hoy, hindi ka na kumibo diyan.” Doon ito kumurap at saka muling binalik ang tingin sa harap ng camera ng laptop. “Bakit? May problema ba?” sa pagkakataon na iyon ay siya naman ang nagtanong. “No, no, wala naman. It’s just that, nabigla ako. Usually, new couples will move in and rent an apartment. Pero kayo bumili ng bahay worth four hundred thousand pounds. Iba din!” Natawa si Isla. “Hindi naman talaga iyon ang original

