ONE YEAR later… “Ano? Nakapag-desisyon ka na ba?” tanong ni Sibby sa kanya. Natawa na lang siya at umiling habang kausap ito sa video call. “Hindi ko alam, okay?” “Isla, sige na! Pumayag ka na! Hindi ka naman magpapakita eh. Manonood lang tayo, gaya dati kung paano tayo mag-fangirl sa kanila,” pangungulit ng kaibigan. “Look, kilala ako ng mga kagrupo niya, paano kung may makakita sa akin doon at sabihin sa kanya? Maayos na buhay niya sa Pilipinas, nakabalik na siya sa showbiz career niya. Ayoko nang manggulo pa.” Bumuntong-hininga ito. “Ano bang manggugulo sinasabi mo diyan? Manonood lang tayo. Ito naman ang plano mo noon pa hindi ba? Ang manood ng dance concert nila, kung hindi na-postponed ang concert, baka

