Chapter 20

2339 Words

          NANG makaalis si Sharon. Agad nagligpit ng mesa si Isla at nagmamadaling lumabas. Dahil uuwi rin agad si Matthew bukas ng umaga, pinaunlakan na niya ang imbitasyon nitong kumain sila sa labas.           “I’m going home early, Marie,” paalam niya sa Manager ng bookstore.           “Sure, drive safely.”           Ang usapan nilang dalawa ni Matthew ay sa restaurant kung saan nagpa-reserve na ito sila magkikita. Dahil may trabaho pa siya doon sa bookstore kaya umalis muna ito matapos nilang mag-usap ng masinsinan. Halos ilang minuto pa lang ito nakakaalis nang si Sharon naman ang dumating.           Hindi naman nagtagal ay nakarating na agad si Isla sa restaurant. Pagpasok ay naroon na si Matthew at naghihintay sa kanya. Agad itong tumayo nang makitang palapit siya.         

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD