(Chris POV) Araw ng libing ni Isabella. Hindi ko magawang kumain or uminom man lang ng tubig. Hindi ako nakakaramdam ng gutom or uhaw. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay sakit ng puso kong nagkadurog-durog dahil sa pagkawala ni Isabella. Hindi ko alam kung mabubuo pang muli ang puso ko. Pumatak ang mga luha ko habang nakatingin sa kabaong ni Isabella na ibinababa sa hukay. Hawak ko ang puting rosas. Wala akong lakas upang ihagis sa ibabaw ng kabaong niya. Ni hindi ko makayang ibuka man lang ang labi ko. Kaninang sa misa sila Annabella at Rosabella lang ang nagsalita. Lutang ako at wala sa sarili. Hindi ko kayang magsalita sa harapan ng mga tao. Alam kong bibigay ako at iiyak lang. Sobrang bigat sa pakiramdam wala na ang taong mahal mo. Ito na ang huling araw na makikita mo siya. "

