Episode 4

1258 Words
(Isabella POV) Halos hindi na ako makalakad pagkatapos ang nangyari sa amin ni Sir Chris. Sinusubukan kong hindi mapaiyak subalit hindi ko mapigilan. Feeling ko ang dumi dumi ko na. Bakit kailangang isipin ko pa na isa akong marumi ginusto ko naman ito. Kailangan ko lang talaga at wala akong pagpipilian pa. Sa bawat haplos at halik ni Sir ay walang pag-iingat kahit alam niyang unang karanasan ko iyon. Ano pa nga ba ang iniiexpect ko. Isa akong bayarang babae. Bakit pa ako magrereklamo sa nangyari. Inayos ko ang sarili ko. Uumpisahan ko na ang nakatambak na trabaho. Kahit masakit ang buong katawan ko pinilit ko pa din maging maayos.Upang magawa ko ng maayos ang trabaho. Nakita kong lumabas ng opisina si Sir Chris. Dumaan lang ito na parang walang nakikita. Ano Isabella huwag kang mag-expect na pagkatapos ng nangyari magiging maganda ang pakikitungo sa iyo ni Sir Chris. Nangangarap lang ako ng gising. Hinarap ko na ang trabaho ko para matapos ko na ito ng maaga.Hindi ko dapat pagsisihan ang ginawa ko. Napakalaking tulong nito sa kapatid ko. Tsaka ginusto ko naman ito. Makalipas ang ilang oras bumalik sa opisina nito si Sir Chris. Saan kaya ito nagpunta? Ang daming trabaho na dapat ayusin.Buti bumalik pa sa trabaho although alas dos na ng hapon. " Isabella go to my office!" utos nito. Napabuntong hininga ako. Ano na naman kayang ipapagawa nito sa akin? Inayos ko muna ang mga folder na natapos ko na.Sinalansan ko sa isang tabi. Pagkapasok ko ng opisina nito. Nagulat ako ng makita ko siyang nakahubad na. Napalunok ako ng laway. " Lock the door!" utos nito kaya ginawa ko naman.  " Don't move there!" utos nito sa akin.Naglakad ito patungo sa kinatatayuan ko. Halos manlaki ang mata ko sa nakikita kong hubad na katawan niya. Ang bilis ng t***k ng puso ko para nga akong aatakihin sa puso. Bigla niya akong sinandal sa pader. Itinaas niya ang kamay ko sa bandang ulunan ko. Napatitig ako sa labi nito. Nanuyo ang lalamunan ko. Sinimulan niyang halikan ang pisngi ko pababa ng leeg ko. Napaliyad ang ulo ko ng dilaan niya ang collar bone ko. Bumaba pa ang halik nito hanggang sa bandang dibdib ko. Kahit may damit pa ako feeling ko nakahubad ako sa paraan ng paghalik niya.  Binaba niya ang blouse ko kaya tumambad ang balikat ko. Sinipsip niya ang balat ko sa may bandang balikat. Bawat hagod ng labi niya sa balat ko ay nadadala ako. Lumayo muna ito habang titig na titig sa kabuuan ko. " Strip!" utos nito sa akin na parang isang bayaran. Ganoon naman talaga ang tingin niya sa akin dahil totoo naman iyon. Isa akong bayaran. Hinubad ko lahat ang suot ko.  Halos panginigan ako ng tuhod ng simulan na niya akong galawain habang lami ay  nakatayo. Tanging pagluha na lamang ang nagawa ko. UMUWI ako sa bahay na masakit ang buong katawan. May sugat ako sa bandang dibdib ko dahil kinagat ni Sir Chris. Pinanggigilan niyang kagatin ang balat ko sa bandang doon. Gusto kong mapaiyak ng mga oras na iyon. Wala akong nagawa para pigilan ito sa gusto nito. Bayad lahat ng serbisyo na ibibigay ko. Hindi dapat ako nagrereklamo. Para tuloy akong walang kuwentang babae sa paraan ng pag-angkin niya sa akin. Pinahid ko ang luha ko ng pumatak ito. Gabi na ako nakauwi dahil pinag OT pa niya ako. Sinilip ko ang dalawa kong kapatid. Napangiti ako magkayakap sila habang natutulog. Gagawin ko lahat para sa mga kapatid ko. Mahal na mahal ko sila dahil sila ang buhay ko. Kahit buhay at kaligayahan ko isasakripisyo ko para sa kanila. DALAWANG buwan ng ginagamit ako ng boss ko. Sa araw araw na buhay ko naging manhid na ako sa sakit. Iniisip ko na lamang ang mga kapatid ko kaya nagiging malakas at matatag ako. Minsan gusto ko ng sumuko. Nagulat ako ng pinatawag ako ni Sir sa Conference room. Akala ko wala siya ngayon dahil may lakad sila ng kaibigan nitong babae. Hindi ko alam kung nobya na niya iyon. Dahil madalas kong makita ang babae na nagpupunta dito.  Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng Conference room. Napatingin ito sa akin ng maramdaman niyang nakapasok na ako. Nakaupo ito sa swivel chair habang nasa harapan ng laptop. Nakakunot ang noo nito. "Wala pa bang laman yang tiyan mo? You need to see a doctor." nagulat ako sa sinabi niya.  "Hindi ko po alam Sir. Kung gusto niyo Sir magpapatingin po ako sa OB-Gyne." nakayukong sabi ko.  "Ano pang hinihintay mo?! Get out!" sigaw nito sa akin. Lumabas na ako ng Conference room. Nasalubong ko ang babeng laging nagpupunta dito.  "Good morning po Ma'am." bati ko sa babae.  "Good morning too. Nandiyan ba si Chris? tanong nito sa akin.  "Opo Ma'am nasa loob po ng Conference room." Buti pa siya mabait sa akin.  "Thank you" pasasalamat nito sa akin.  Pumasok na ito sa loob. Hindi naisara ng babae ang pinto kaya nakita ko kung paano halikan ni Sir sa labi ang babae ng lumingon ako. Tumalikod na ako dahil nasasaktan ako. Aminin ko man or hindi may nararamdaman na ako para sa kanya. Alam kong mali ito. Subalit hindi ko kayang pigilan ang pagtibok ng puso ko para sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi na ako maumay umay na umiyak. Pinahid ko ang mga luha ko. Sana walang mabuo dahil ayokong ipamigay ang anak ko. Hindi kaya ng konsensya ko.  KINABUKASAN pinag half day lang ako ni Sir dahil pupunta ako ng OB Gyne. Hindi ko alam kung ano ba angsintomas ng nagbubuntis. Irregular ang menstruation ko kaya hindi din 100 percent na buntis nga ako.  Pinuntahan ko ang nirecommend ni Sir na OB Gyne. Kakilala niya daw ito kaya doon ako pumunta. Hinintay ko ang Doctora na titingin sa akin. Hindi ko maiwasan ang kabahan at matakot. Natatakot ako sa malalaman ko. Tinawag na ako ng Secretary ng Doktora. Pinapasok niya na ako sa loob.  Halos gumuho ang mundo ko ng malaman kong positive ang result. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Madaming idea ang pumasok sa isip ko. Tatakas kami ng mga kapatid ko para lang hindi niya makuha ang anak ko. Pero pumirma ako sa kasunduan baka makasuhan pa ako. Paano na lang ang kapatid ko kung ipakulong niya ako. Maimpluwensyang tao pa naman si Sir Chris siguradong sa kulungan ang bagsak ko. Habang nasa taxi hindi ko mapigilang umiyak. Napapatingin sa akin ang taxi driver. "Ma'am okay lang po ba kayo?" tanong nito na may pag-aalala. "Okay lang ako Kuya. Dito na lang po."sabi ko sa taxi driver. Kahit medyo malayo pa ang bababaan ko. Nagpasya akong ipahinto na ito. Maglalakad na lamang ako. Nagtatakang tiningnan ako ng taxi driver. Binigay ko na ang bayad, hindi ko na kinuha ang sukli.  Wala ako sa sarili habang naglalakad. Parang gripo ang luha ko hindi na maubos ubos sa kakapatak. Masyadong okyupado ang utak ko sa kalagayan ko. Hindi ko alam ano ba ang gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Sir buntis na ako or sasabhin kong hindi. Kapag lumaki na ang tiyan ko tsaka ako tatakas. Paano naman ang mga kapatid ko. Isasakripisyo ko ba sila sa isang walang muwang na bata. Dugo't laman ko din ito. Napahinto ako sa may gilid. Napaupo ako at nag-iiyak. Pinagtitinginan na ako ng mga tao. Hindi ko na alintana na madaming tao ang dumadaan. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang magdesisyon. Wala akong kuwentang ina. Ipapamigay ko ang anak ko. (Copyright 2019 by coalchamber13)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD