IRIS' POV Matapos namin na makapag-usap ng magulang ko ay agad akong nagtungo sa lugar ng pinakamatandang panday na kilala ng kaharian. At higit pa sa karanasan ng naturang panday, alam ko na mapapagkatiwalaan ko siya na itago ang sikreto ko. Ilang oras lang ang binuno ko sa pagtakbo—pagtakbo na hindi pangkaraniwan bago marating ang bahay ng naturang panday. Habang nasa daan ay hindi ko mawaglit sa isip ko ang mga taong iniwan namin sa mundong nakagisnan nila lalo na si Steve. Napangiti ako nang mapait. At aaminin ko na sa mga oras na 'to hinihiling ko na sana naging tao na lang din ako katulad ni Steve baka sakaling magkaroon ng pag-asa sa pagitan naming dalawa. Isa-isa kong binaliktanaw ang mga nangyari sa buhay ko simula noong umalis ako rito sa kaharian upang takasan lang ang ka

