IRIS' POV After the incident in the woods, napagdesisyonan ko na bantayan sila Steve para masigurado na ligtas sila. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa ginagawa ko pero pakiramdam ko, kailangan ko talaga silang bantayan. Isang linggo na rin ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita ni Steve. Desisyon ko 'yon dahil sa totoo lang, naguguluhan na ako sa kakaibang damdamin na umuusbong sa puso ko. Idagdag pa ang kakaibang t***k ng puso ko noong magkasama kami. At si Nyx—ano naman kaya ang ginagawa n'ya rito? Gusto kong batukan ang sarili ko sa istupidong katanungan na 'yon. Because obviously, he's after me. "Pero bakit magkakilala sila ni Steve?" wala sa sariling tanong ko. "Sino'ng kausap mo?" Mula sa kung saan ay narinig ko ang isang pamilyar

