chapter 5

2294 Words
6 ChapterFive ] ------------------------------- ~oOo~ Ilang buwan na ang nakalipas pero ganoon parin ang set up namin ni Angelo, palagi siyang umuuwing lasing sa gabi o 'di kaya'y umuuwi ng madaling araw na lasing. Sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin, hindi nga niya pala talaga ako pinapansin. Kahit na buntis ako ay ginagalaw niya parin ako at palagi niyang sinasabi kung gaano niya ako kinamumuhian. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Umiiyak lang ako kapag tulog o wala na siya, sinubukan kong umalis. Ilang beses kong sinubukan pero hindi ko magawa, hindi ko alam pero kapag aalis na ako ay palaging may pumipigil sa akin. Palagi rin akong napapaisip katulad ng, kung aalis ba ako ay mabubuhay ko ba ang batang dinadala ko? Magiging maayos kaya siya habang dinadala ko siya? Ano ang magiging buhay naming dalawa kapag nailuwal ko na siya? At marami pang iba, pero napaisip rin ako kapag hindi ako umalis ay, ano nalang ang magiging buhay ng batang dinadala ko dito? Palagi ba siyang sasaktan ng Ama niya? Tatanggapin kaya siya nang Ama niya paglabas niya? Matatanggap kaya siya nang pamilya ni Angelo? Pero naisip ko rin na posibleng kapag lumabas na ang batang ito ay mamahalin siya nang Ama niya, tatanggapin at aalagaan, kase kahit anong gawin niya ay anak niya parin ito. 'Yan ang palagi kong dalangin, na sana matanggap niya ang anak niya sa akin, kahit ang bata nalang, kahit 'wag na ako. Alam ko naman kung ano ako sa buhay niya. Napaisip rin ako, paano na kaya ako kapag naipanganak ko na ang bata? Dito parin ba ako titira o palalayasin na niya ako? Naiisip ko palang ang huli at hindi ko yata makakaya. Hindi ko kayang iwan ang anak ko, Ina niya parin ako at kailangan niya ako. Gusto ko ako mismo ang mag-aalaga sa anak ko, gusto kong masubaybayan ang paglaki niya. Gusto kong marinig kung ano ang unang salita na maibibigkas niya, makita ang unang paglakad niya, lahat ng bagay na una niyang magagawa at malaman ng anak ko. Gusto ko nandoon ako sa tabi niya sa lahat ng oras. Aalagaan ko pa siya, mamahalin ng buong-buo at ipapakita ko sa kanya kung gaano kaganda ang mundong ginagalawan namin. Malalim na hangin ang pinakawalan ko. Nakarinig ako nang marahang pagkatok sa pintuan, bumukas ito at bumungad sa akin ang masayang mukha ni Manang Minda. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko. "Hija, may check-up ka mamayang hapon sa OB mo sabi ni Angelo." Nagulat ako sa tinuran ni Manang Minda. Sa anim na buwan kase na namalagi ako rito ay hindi pa ako nakakapagcheck-up ni minsan. "T-talaga po?" Sabi ko, tumango ito sa akin at hinaplos ang malaki kong t'yan. "Oo, sasamahan ka raw ni Angelo." Nanlaki ang dalawang mata ko, ako sasamahan ni Angelo? Ngumiti si manang Minda sa akin. Hindi ako makapaniwala. "Kung iniisip mo na balewala lang sa kanya ang anak niya, nagkakamali ka, Hija. Hindi niya man sabihin pero nakikita ko, excited na siyang makita ang anak niya sayo. Alam mo bang nagtatanong siya sa akin kung nakakain ka na ba, o kung may masakit ba sayo? Nag-aalala rin sayo 'yun." Nakaramdam ako nang saya sa sinabi ni Manang Minda. Parang hinaplos ang puso ko sa nalaman ko, ngayon alam ko na ang mangyayari sa anak namin paglabas niya. Mamahalin siya nang Ama niya. Lihim akong napangiti sa naisip ko. "O, siya. Ala una ng hapon ka niya susunduin mamaya, matulog ka muna kung gusto mo. Gigisingin nalang kita." Sabi niya sa akin. "Thank you po, Manang." Nakangiti kong sabi at umalis na ito. Nang makalabas na ng tuluyan si Manang ay hinaplos ko ang t'yan ko. "Narinig mo 'yun, anak? Magpapacheck-up ako mamaya tapos sasama ang daddy mo sa atin, siguro malalaman narin namin kung babae ka ba o lalaki." Umayos ako nang higa at nagbasa na ng libro, mamaya nalang ako mag-aayos. **** Alas dos na ng hapon pero wala pa akong nakikita na Angelo na dumating, hindi pa naman daw siya nagtext kay manang. Isinawalang bahala ko nalang na wala pa siya. Hindi ko kase mapigilan ang hindi ma excite para sa check-up mamaya, ano kaya ang itsura ng baby ko sa sinapupunan ko? Okay lang kaya siya sa loob? Malusog kaya ang baby sa t'yan ko? Kanina ko pa pinaglalaruan ang mga daliri ko na namamawis na, ganito kase ako kapag excited o kinakabahan. "Anak, Mika. Mauna kana raw sa Hospital, ihahatid ka ni Mario, driver niya." Ani manang Minda habang hawak-hawak ang telepono sa kaliwang kamay niya. Napatingin ako sa mumurahing wrist watch ko at tumango kay manang. "Sige po." Sabi ko. Sumama si manang sa akin sa paglalakad papunta sa labas ng gate at siya na ang nagbukas ng pintuan ng kotse. "Magandang hapon po ma'am at aling Minda." Bati ni mang Mario, ngumiti si manang Kay mang Mario. "Magandang hapon din po!" May ngiti sa labi kong bati sa kanya. "'Wag masyadong mabilis ang pagmaneho huh? Buntis si Mikaela." Pagpapaalala nito kay mang Mario. Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa napakalaking Hospital kung saan ako magpapacheck-up, sumama si mang Mario sa akin hanggang sa loob. Marami akong nakikitang buntis at sa palagay ko at kasama nila ang Ama ng dinadala nila. "Ma'am, ikaw lang po ang papasok. Dito lang po ako sa labas." Sabi ni mang Mario sa akin, bakit ba tinatawag niya akong ma'am? Eh, hindi niya naman ako amo. "Okay po! Salamat nga po pala, at tsaka po! Mika nalang po ang itawag niyo sa akin, hindi niyo naman po ako amo eh." Sabi ko sa kanya ng makaupo kami sa bakanteng upuan. "Ah, eh.. 'Yun po kase ang utos ni sir Angelo, pero sige, hija. Kapag tayong dalawa lang tatawagin kitang, Mika." Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya kanina na inutos ni Angelo na tawagin niya akong ma'am. "Ang laki na ng t'yan mo, hija. Ilang buwan na ba 'yan?" Pagtatanong niya sa akin, hinaplos ko ang t'yan ko bago sumagot. "Mag-aanim na buwan na po, malapit na po akong manganak." Sabi ko. Malapit ko nang makita ang magiging anak ko. Napangiti ako. "Miss Perez? Mikaela Angela Perez?" Pagtawag ng isang babaeng nurse sa akin, pareho kami ni mang Mario na napalingon sa kanya. "Ako po 'yun." Sagot ko sa kanya. "Pasok na po kayo." Sabi niya. Nagpaalam muna ako kay mang Mario bago pumasok sa loob. Isang magandang Babae ang nakita ko na nakasuot ng putting coat, may name plate ito. Siya si Dr. Lalaine Torres, "magandang hapon po, ako po so Mikaela." Nahihiyang bati at pagpapakilala ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at siya mismo ang umalalay sa akin papunta sa pinakaloob ng opisina niya, may nakita akong hospital bed at kung anu-anong apparatus at makina sa loob. Pinaupo niya muna ako sa isang stool. "Ako si Doktora Torres, matagal ko nang kakilala si Angelo. Tama nga ang sinabi niya tungkol sayo na maganda ka, bagay sayo ang pangalan mo." Naramdaman kong uminit ang dalawang pisnge ko sa sinabi niya. Sinabi ni Angelo na maganda ako? Baka nagbibiro lang si Doktora. Nahihiya man ay ngumiti nalang ako sa kanya. "Magbihis ka muna nito para komportable ka at para mas madali ang pag check ko sa iyo." May ibinigay siyang puting damit sa akin na manipis at mahaba, parang lab gown. "Kaya mo ba? Pasasamahan kita kay nurse Anne kung hindi." 'Yun siguro ang pangalan ng nurse kanina. "'Wag na po, Doc. Kaya ko naman po." Sagot ko sa kanya. Sa mukha niya ngayon ay parang hindi ito kumbinsido. "Are you sure? Malaki na ang t'yan mo, baka mahirapan ka." Ngumiti ako sa kanya at tumayo na. "Kaya ko po ito, thank you nalang po." Magalang na salita ko at pumasok na sa isang CR kung saan daw ako pwede magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako na suot-suot ang lab gown, may kung anong hawak na mahabang bagay na manipis si Doktora, gagamitin niya kaya 'yun sa akin? "Come here, humiga ka. I'll just ask you some questions then we'll see here if what is the gender of your baby." Nakaramdam na naman ako nang kakaibang excitement. Itinuro niya ang katamtamang laki na mukhang flat na TV, doon ko raw makikita ang baby. Ngayon ko na talaga malalaman kung Babae ba o lalaki ang magiging anak ko. Inalalayan ako ni nurse Anne na makahiga sa hospital bed, si Doktora naman ay nasa gilid ko lang nakatayo. "How old are you? You look very young." Ani niya. "20 palang po ako." Sagot ko naman sa kanya. "Ang bata mo pa pala talaga." Kumento niya, tama, ang bata ko pa talaga para magkaanak. Marami d'yan na sa ganitong edad ay ine-enjoy ang buhay estudyante, pero ako, eto, iniinda ang hirap at sakit sa lalaking nakabuntis sa akin. "This is your first check-up, right?" Tumango ako sa kanya. "Okay, so may nararamdaman kabang masakit sa iyo? Nagsususka ka pa ba hanggang ngayon? How about craving some foods?" Hala! Ang dami nyang tanong sa akin. "W-wala na po. Minsan nalang po ako naghahanap ng pagkain na gusto ko, wala namang masakit sa akin, hindi narin po ako nagsusuka." Mahabang sagot ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "Iniinom mo ba ang gatas at vitamins mo?" Tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Mahina siyang tumawa. "Alam mo bang pumupunta si Angelo rito para magtanong ng vitamins at gatas na pwede sa'yo?" Nagulat ako sa sinabi niya, umiling ako kay doktora. "Talaga?" Masaya niyang sabi. Naguguluhan yata ako sa kanya eh. "Napakamalihim talaga ng mokong na 'yun!" Tumawa siya at napapailing pa ito, nakatingin lang ako sa kanya. Kilalang-kilala niya siguro talaga si Angelo, ano? Tinabunan ni doktora ng puting tela ang bewang ko papunta sa paanan ko. "Ipapasok ko ito sa iyo, 'wag kang mag-alala, hindi ito masakit. May gel 'yan." Sabi niya. Tama nga ako, gagamitin niya ang mahabang bagay kanina na nakita ko, parang stick lang ito. Naramdaman ko ang pagpasok ng mahabang bagay na iyon sa pagkababae ko, hindi nga siya masakit. Parang malamig pa. "Torres." Pareho kaming napalingon sa nagsalita, bahagyang nanlaki ang dalawang mga mata ko. Narito si Angelo! Dumating siya. Nag-iwas ako kaagad ng tingin sa kanya, kahit na hindi na ako nakatingin sa kanya, alam kong nakatitig siya sa akin. "Late kana, Buenavista! Doon ka at para pareho nating makita ang baby niyo ni, Mikaela." Tumango lang ito at tumayo sa bandang kaliwa ng hospital bed. Tumingin na lamang ako sa screen at hinihintay kung ano ang makikita ko doon. "Ehem! Let's wait for a couple of minutes." Sabi niya. Nakatitig lang ako sa screen at ilang minuto lang nga ang nakalipas ay may nakita na naming pigura ng bata sa screen. Nanubig ang mga mata ko, nakita ko na ang anak ko. Napahawak ako sa t'yan ko. "Oh, there! Nakikita niyo ba ito? 'Yan ang baby niyo. Malakas ang heartbeat niya, and it's a baby girl! Congratulations mommy and daddy!" Masayang sabi ni Doktora Torres. Masayang-masaya ako, sa wakas nakita ko narin siya, kahit na hindi pa siya kumpleto at kahit na sa screen lang muna. Magkakaroon ako nang babaeng anak, ang saya-saya ko! Nagulat ako nang may maramdaman akong mainit na bagay na humaplos sa t'yan ko. Si Angelo, hinahaplos niya ang t'yan ko gamit ang kamay niya habang nakatingin sa screen at nakangiti. Naramdaman no ba iyon, baby? Si Angelo 'yun, ang tatay mo. Salita ko sa isipan ko. Bigla akong napatingin sa t'yan ko kase parang may gumalaw sa loob ng t'yan ko, nakita kong nakatingin din si Angelo sa t'yan ko. Naramdaman niya rin kaya iyon? Napatingin siya sa akin. "M-my baby kicked." Nauutal at hindi makapaniwala niyang salita at tumingin ulit sa t'yan ko. "W-wow." Sabi niya ulit. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sumipa nga ang anak ko. First time 'yun! Siguro dahil naramdaman niya ang haplos ng tatay niya kaya siya sumipa? "Natural lang 'yan, Buenavista! At tsaka, anim na buwan na ang anak niyo no! Sisipa talaga yan, lalong lalo na ikaw ang tatay niya. Sisipain ka niyan paglabas niya." Hindi ko alam pero mahina akong napatawa sa sinabi ni doktora. Napasimangot naman si Angelo. "Shut up, Torres!" Naiinis niyang sabi. Umirap lang si doktora kay Angelo. "I'll take some pictures of the ultrasound. Magbihis kana muna, Mika." Inalalayan ako ulit ni nurse Anne na bumangon at papunta sa banyo, maingat akong gumagalaw para hindi ako madulas o maaksidente. Pagkatapos kung magbihis ay lumabas na ako, nakita ko na nakaupo si Angelo sa tapat ni doktora. Umupo rin ako sa bakanteng upuan na katapat ni doktora. "The baby is healthy, inumin mo lang ang mga vitamins at gatas huh? Iwasan mo ang magpagod at stress, you can read books too and pwede ring kantahan mo ang anak mo." Tinandaan ko lahat ng mga paalala ni doktora Torres. "At ikaw naman, Buenavista. No hard or rough s*x, make it gentle. Malaki na ang bata sa loob ng t'yan ni Mika." Biglang uminit ang dalawang pisnge ko, ngumisi ng nakakaloko si doktora Torres. Bakit ba ganyan siya kung magsalita? Parang sanay na sanay sila talaga sa isa't-isa, matalik kaya silang magkaibigan? Tss. You talk so much, Torres. Noted." Sabi niya kay doktora. May ibang paalala pa si doktora sa akin bago kami umuwi, ibinigay niya rin ang litrato sa amin. Nang makita ko ang litrato ng anak namin ay napangiti ako, hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi ko. Tapos parang feeling ko ay excited din si Angelo na makita ang bata, sana lang at maging mabuting mga magulang kami para sa anak namin at sana ay makasama ko nang matagal ang anak ko. ♥️jaja
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD