“Honey, anong ginagawa mo dito?” hindi pinansin ni Alejandro ang pagiging sarkastiko ko bagkus ay nagmadali itong tumayo sa kinau-upuan niya at sinalubong ako ng yakap at mabilis na halik sa labi. Ngunit tulad ni Alejandro ay hindi ko siya pinansin na sa direksyon ni Beatrice ang mga tingin ko. Tulad ko ay masama din ang tingin nito sa akin. Sinipat ko pa ang hawak niyang Tupperware na may laman din pagkain. Akalain mo nga naman at pareho pa kami ng ulam na dala, hindi ko magawang matawa dahil ano nangiinis na ang lintik na tadhana? O talagang kailangan ko ng gumawa ng paraan para mawala na siya sa landas namin. Napansin ni Alejandro ang pagbabago ng atmosphere sa paligid. “A-Ano kasi... Hindi ko akalain na pupunta siya dito,” kinakabahan paliwanag niya. Binalewala ko lamang ang paliwa

