Ang dating mansiyon na napupuno kahit papaano ng saya at tawanan, ngayon tahimik at wala ng buhay. Ang dating mansiyon na nagkaroon na nang kulay ngayon ay matamlay na. Araw-araw at gabi-gabi wala pa rin patda sa pag-inom ng alak si Alejandro habang yakap-yakap ang damit ng asawang si Cassandra. Isang buwan matapos ang aksidenteng iyon, isang buwan na rin siyang halos hindi na nagtatrabaho at ginagawang pagkain ang alak. Walang makapigil sa kaniya dahil ramdam ng lahat ang sobrang paghihirap ng lalake. Wala na din itong kinakausap na iba at ang tanging pag-iyak at pagwawala na lamang ang palagi nitong ginagawa. Panay parin ang tungga nito sa hawak na alak habang sa isang kamay ay ang litrato nilang mag-asawa. Magulo ang buong paligid, ang mga bote ng alak na wala ng laman na nagkalat kun

