Matagal na rin simula ng maramdaman ko ang ganito kapayapang pakiramdam. Ilang taon din akong dinadalaw ng mga kakaibang bangungot na hindi ko maintindihan noon. Mga boses na tumatangis, tumatawag at bumubulong sa akin. Inakala kong nasisiraan na ako ng bait ngunit ang lahat pala ng 'yon ay may dahilan. Pinagmasdan ko ang dalawang kamay kong parehong may benda. Natatandaan ko ang nangyare bago ako gumising na masakit ang buong katawan ko at puno ako ng gasgas. Malaki ang pasasalamat ko sa aksidenteng iyon dahil may naalog ito sa utak ko kaya bumalik ang lahat ng alaala ko. Para itong gripo na matagal hindi ginamit kaya ng muli itong gamitin tuloy-tuloy ang pag-agos. Base sa kwento ni Steven sa akin ay natulala daw ako ng ilang minuto at nanigas ang buong katawan ko. Ngayon nakakaalala na

