Mataas na ang araw ng magising si Nico. Hinanap agad ng mga mata niya si Alex ngunit wala ito sa kanyang tabi. Lumabas siya ng kuwarto at pumunta sa guest room pero wala din. Lumabas siya ng bahay at pinuntahan ang mag-asawang caretaker, “Nay Talia, nakita n’yo po ba si Alex?” Umiling ang kanyang kausap, “Iho, hindi pa siya nagagawi rito. Baka nag-ikot-ikot lang diyan.” Itinuloy ni Nico ang paghahanap. Inikot niya ang buong paligid ng Ace Castle pero wala ang dalaga. Pinuntahan niya ang guwardiya sa may gate. “Guard, may lumabas ba kanina?” “Opo, sir, yung’ guest n’yo po” wika ng guard. “Bakit hindi mo ipinaalam sa akin!” galit na wika ng binata. “Eh, Sir, akala ko alam n’yo po,” Napakamot ng ulo ang guwardiya. “Sorry, Sir.” Natutop ni Nico ang noo. Bumalik siya sa kuwarto at nanlu

